^

Bansa

Buhay ng teacher sa Sulu, nailigtas ng Malasakit Center

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagsisilbi ng Malasakit Center bilang tagapagligtas ng buhay matapos ang operasyon sa puso ng 29-anyos na gurong si Mohammad Abdelrashid Juhuri ng Maimbung, Sulu.

Nagbago ang buhay ni Mohammad noong 2017 nang ma-diagnose siya na may congenital heart disease. Naging banta ito sa kanyang pangarap na maging isang mechanical engineer.

Sa pagsisikap na makakuha ng tulong pinansyal sa mga lokal na opisyal, nadala siya sa Malasakit Center sa Philippine Heart Center sa Quezon City.

Sinimulan ni Go noong 2018, ang Malasakit Center na naisabatas noong 2019, ay nagsilbing matatag na angkla sa gitna ng mga hamon sa pananalapi na kinakaharap ni Mohammad noong panahong iyon. 

Kaya naman ang pinansiyal na tulong na ­ibinigay ng Malasakit Center ay naging daan para sa kinakailangang surgical intervention ni Mohammad.

“Senator... Isa ka sa instrumento na binigay ni God para madugtungan ang buhay ko,” aniya.

Ang damdamin ni Mohammad ay sumasalamin sa hindi mabilang na mga benepisyaryo ng Malasakit Center.

Ang salaysay ni Mohammad ay isa lamang sa maraming kwento ng buhay ng mga natulungan ng Malasakit Centers.

Sa ngayon, 159 Malasakit Centers ang operational sa buong bansa, na handang tumulong sa mga gastusin sa pagpapagamot ng mga pasyente. Iniulat ng DOH na nakapagbigay na ng tulong ang Malasakit Center program sa mahigit pitong milyong Pilipino.

CENTER

MALASAKIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with