^

Bansa

QCPD naghain ng anti-hazing, robbery complaints vs 5 Tau Gamma members

James Relativo - Philstar.com
QCPD naghain ng anti-hazing, robbery complaints vs 5 Tau Gamma members
Digna Cabrera shows a photo of her grandson, Ahldryn Lery Bravante, as she waits for further details about his death in the Quezon City Police District’s Criminal Investigation and Detection Unit office at Camp Karingal on Oct. 17, 2023.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pormal nang hinainan ng reklamo ang ilang miyembro ng kapatirang Tau Gamma Phi kaugnay ng pagkamatay ng 25-anyos na criminology student na si Ahldryn Leary Bravante nitong Lunes sa Lungsod ng Quezon.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang ideklarang "dead on arrival" si Bravante, estudyante ng Philippine College of Criminology, matapos mabugbog kaugnay ng diumano'y hazing rites.

"The Quezon City Police District (QCPD), under the leadership of PBGEN Redrico A Maranan, has taken decisive action in response to the recent hazing incident that occurred on October 16, 2023," wika ng QCPD sa isang pahayag na inilabas, Huwebes.

"Following a thorough investigation, charges have been filed against the suspects responsible for this heinous act."

 

 

Una nang naibalitang nahirapang huminga at nawalan ng malay si Bravante matapos ang initiation, dahilan para isugod ng dalawang suspek ang biktima sa ospital.

Dumulo ito sa pagkakakilala at pagka-aresto ng dalawang suspek noong ika-17 ng Oktubre.

Samantala, boluntaryong sumuko ang dalawa pa sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG), habang sumuko naman ang isa pa sa QCPD Police Station 1 kasama ang kanyang pamilya.

Miyerkules lang nang umamin sa pamamagitan ng "extra judicial confession" ang dalawa sa mga suspek sa tulong ng kanilang abogadong si Melvin Bughao, kung saan ibinulgar nila ang mga pangalan at tirahan ng iba pang miyembro ng Tau Gamma Phi.

Hinainan na tuloy ang mga supek ng reklamong paglabag diumano sa Republic Act 111053 o  Anti-Hazing Act of 2018 at robbery sa QC Prosecutor's Office.

"Patuloy ang QCPD na nananawagan sa lahat ng sangkot sa insidenteng ito, lalo sa 11 na napangalanan na at sa iba pang sangkot na tinutukoy pa ang pagkakakilanlan,  sumuko na kayo para matulungan ang pamilya na mabigyan ng katarungan ang pagkasawi ng kanilang anak," ani Maranan kanina.

"Hindi titigil ang ating kapulisan hanggang kayo ay mahuli at mapanagot sa krimen na inyong nagawa."

QC gov't kinundena hazing death

Ngayong araw lang nang kastiguhin ng lokal na pamahalaan ng QC ang pagkamatay ni Bravante sa kamay ng naturang grupo, lalo na't nangyari ang hazing sa loob ng abandonadong gusali sa Barangay Sto. Domingo ng parehong lungsod.

"Once again, this incident demonstrates that hazing is a life-threatening practice that violates the principles of human dignity," sambit ng QC local government unit kanina.

"Hindi dapat maging batayan ng katapatan sa kapatiran ang pananakit sa kapwa na maaaring magdulot ng pewrmanenteng pinsala o humantong sa hamatayan."

"Nakikitamay kami sa pamilya at mga kaibigan ng nasawi."

Nakikipagtulungan na daw ang pamahalaang lungsod sa QCPD para matiyak na mananagot ang mga may sala. Inaatasan na rin aniya ang pulisya na hanapin ang mga iba pa na wala pa sa kamay ng otoridad. 

HAZING

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

TAU GAMMA PHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with