^

Bansa

DOH: Flu-like cases sa Pilipinas lumobo ng 45% kumpara Oktubre 2022

Philstar.com
DOH: Flu-like cases sa Pilipinas lumobo ng 45% kumpara Oktubre 2022
This photo taken on September 16, 2022 shows a nurse entering an intensive care unit for COVID-19 patients at a hospital in Manila.
AFP/Kevin Tristan Espiritu, File

MANILA, Philippines — Halos kalahati ang iniangat ng bilang ng influenza-like illnesses na naitala sa bansa sa ngayon kumpara parehong panahon noong isang taon.

Wika ng Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules, umakyat na sa 151,375 kaso ng sakit na "kagaya ng trangkaso" ang naitatala sa buong bansa as of October 13.

"This is 45% higher compared to 104,613 ILI cases reported during the same period of last year (2022)," paliwanag pa ng Kagawaran ng Kalusagan.

"Also, in the recent 3-4 weeks (September 3-16, 2023), ILI cases have increased by 26% compared to the reported cases two weeks prior."

Pero inilinaw ng DOH na 2009 pa lang ay tumataas na ang mga ganitong kaso lalo na't sumasakto ito sa maulang panahon at mas malalamig na buwan.

Kaugnay nito, nagpapatupad na raw ang kagawaran ng mas mahigpit na pagmamanman sa mga kaso lalo na't inaasahan na raw ang lalo pang pagtaas nito sa mga darating na buwan.

"Higher number of cases in 2023 compared to the previous year is observed in most diseases under surveillance which could be attributed to the efforts in strengthening the surveillance for the other diseases as we shift our focus from COVID-19," banggit pa ng DOH.

Umabot na sa 4.11 milyong ang tinatamaan ng nakamamatay na COVID-19 simula nang makapasok ang sakit sa Pilipinas noong 2020.

Sa bilang na 'yan, 66,714 na ang namamatay habang 4.04 milyon na ang gumagaling.

Nasa 2,937 COVID-19 cases ang nananatiling aktibo pa rin sa ngayon, kasama na ang 123 bagong kasong naitala nitong Martes. — James Relativo

COVID-19

DEPARTMENT OF HEALTH

INFLUENZA

NOVEL CORONAVIRUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with