^

Bansa

DA: Magsasaka sa Pinas, pabata nang pabata

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pabata na nang pabata ang mga magsasaka sa bansa na indikasyon ng pagmamahal sa pagsasaka.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, sa dating 57 anyos, bumaba sa ‘average age’ na 50 hanggang 40 ang mga Filipinong pinili na sumali sa sektor ng agrikultura.

“Bumababa, ibig sabihin maraming pumapasok na mas bata kasya iyong nauna,” ani De Mesa.

Nabatid kay De Mesa na hindi bumababa ang bilang ng mga magsasaka na kinabibilangan ng rice, corn, coconut at livestock growers na nasa 12 milyon.

Sa katunayan, maraming retired government employees ang pumapasok sa farming.

Samantala, isinusulong naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa ‘younger generations’ lalo na sa mga kabataan na tumulong na pataasin ang pagiging produktibo ng agriculture sector.

Kabilang naman sa mga programa ng DA na kamakailan lamang na inilunsad ay ang Young Farmers Challenge (YFC), nag-aalok ng financial grant assistance para sa mga kabataan na nais na maugnay sa bagong  agri-fishery enterprises.

Patuloy din na nag-aalok ang departamento ng scholarship para sa agriculture-related courses.

ARNEL DE MESA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with