^

Bansa

Hamas idedeklarang terorista sa Pinas – NSC  

Doris Franche-Borja, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Hamas idedeklarang terorista sa Pinas – NSC    
Israeli emergency responders cordon off the site of a rocket attack in the southern Israeli city of Ashdod on October 9, 2023.
AFP / Ahmad Gharabli

MANILA, Philippines — Bunsod ng madugong pag-atake sa Israel, inihayag ni National Security Adviser Secretary ­Eduardo Año na isusulong ng Anti-Terrorism Council ang pagdedeklara sa Hamas bilang isang tero­ristang grupo sa Pilipinas.

Ayon kay Año, hindi makatao at karahasan ang ginawa ng Hamas sa Israel kung saan mara­ming inosenteng tao ang nadamay.

Sa huling ulat, umabot na sa 1,200 ang nasawi kabilang ang tatlong Filipino. Nasa 3,000 naman ang sugatan.

“In solidarity with the people of Israel, we will push for the designation of Hamas as a terrorist organization under RA 11479 as a priority agenda of the Anti-Terrorism Council,” ani Año.

Kinondena nito ang pag-atake ng Hamas bilang “deadly and barbaric terrorist assault” sa Israel.

Umaasa si Año na matatapos na sa lalong madaling panahon ang gulo at mailigtas ang iba pang sibilyan kasabay ng panalangin para sa bansang Israel.

Una nang nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakikiisa ang Pilipinas sa Israel para kondenahin ang pag-atake ng Hamas.

Sa kabila nito, sinabi ni Palestine Ambassador to the Philippines Saleh Mohammad na ang mga lider ng mga bansa na nagpahayag ng suporta sa Israel ay nagbigay ng “wrong message” sa nasabing bansa na nagresulta sa “massacre” sa Gaza Strip

AñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with