^

Bansa

Caregiver mula Negros ika-3 Pinoy na patay sa Israeli-Palestinian war

James Relativo - Philstar.com
Caregiver mula Negros ika-3 Pinoy na patay sa Israeli-Palestinian war
Israel's Iron Dome air defence system intercepts rockets launched from Gaza on October 11, 2023. Israel kept up its bombardment of Hamas targets in the Gaza Strip on October 11, as Prime Minister Benjamin Netanyahu and a political rival announced an emergency government for the duration of the conflict that has killed thousands.
AFP/Mahmud Hams

MANILA, Philippines — Umakyat na sa tatlong Pilipino ang namamatay sa pagpapatuloy ng digmaan sa pagitan ng Israel at mga militanteng Palestino, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, Biyernes, sa briefing ng Presidential Communications Office.

"I regret to inform you that yes, it is confirmed, there is a third Filipino casualty. A 49-year-old woman from Negros Occidental. Her family is aware, the president is aware," ani De Vega kanina.

"The Philippine government of course is working with the family. The [Philippine] Embassy in Israel is already in touch with the sisters who are in Kuwait actually for the repatriation of the remains."

 

 

Bago ito, una nang naibalitang isang lalaki at babaeng Pilipino ang namatay.

Maliban sa mga nasawi, tatlong Pilipino ang patuloy na nawawala sa gitna ng kaguluhan. Kinukumpirma pa naman kung totoong nawawala ang ikaapat na Pinoy.

"Three casualties and three missing Filipinos still. However, it doesn't mean that there is no hope because as I said before, there were a lot more missing a week ago and then paunti nang paonti. Possibly these three would show up. We hope," patuloy ni De Vega.

"We join the nation in extending our deepest sympathies to the relatives of the latest casualty who is also a caregiver. And of course, we thank also the Israelis for the assistance of our kababayans who need protection right now."

90 nagpapa-evacuate sa Gaza hindi makauwi

Nangyari ang anunsyong ito isang araw matapos itaas ang Alert Level 3 sa Gaza Strip, isang lugar sa bansang Palestine na binobomba ng Israel bilang ganti sa rocket attacks at opensiba ng Hamas atbp. Palestinian liberation groups.

Nangangahulugan ng "voluntary repatriation" o boluntaryong pagpapauwi ang Alert Level 3. Magiging mandatory evacuation na ito oras na itaas pa sa Alert Level 4.

Umabot na sa 92 sa 131 Pinoy sa Gaza ang humihingi ng tulong para makauwi ng bansa. Nananatiling nasa Alert Level 2 lang ngayon sa Israel.

“[President Ferdinand Marcos Jr.] said that the immediate concern is repatriation, but nobody right now can get in or out of Gaza... so, repatriation, of course, is not yet possible at this time,” dagdag ni De Vega.

“So, this is a diplomatic initiative. We are in touch with other governments in the region. Of course, the United Nations will hold a session today, the United Nations Security Council and we expect them to call for a humanitarian corridor to allow civilians to leave.”

Marami naman sa mga Pinoy sa Israel na gustong umuwi ang nagpapasaklolo hindi dahil sa digmaan ngunit sa problemang ekonomiko na pinalala ng bakbakan.

Ang lahat ng ito ay kaugnay ng "Operation al-Aqsa Storm" ng ilang Palestino, na produkto diumano ng pag-atakeng sinimulan ng Jewish settlers at bakbakan sa Jenin at Al-Aqsa mosque na ikinamatay ng higit 200 Palestino. Bukod pa ito sa deka-dekadang illegal Israeli occupation.

Ayon sa AFP, umabot na sa 1,530 katao na sa Palestine ang namamatay sa air strikes kasunod ng pagkasawi ng nasa 1,200 katao sa Israel.

"13 prisoners... including foreigners [have died in Gaza Strip due to Israeli air strikes in the past 24 hours]," wika ng armadong hukbo ng Hamas na Ezzedine al-Qassam Brigades kanina. — may mga ulat mula sa Agence France-Presse

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ISRAEL

PALESTINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with