^

Bansa

Palparan, 5 iba pa 'abswelto' sa kidnapping, pananakit ng 2 magsasaka sa Bulacan

James Relativo - Philstar.com
Palparan, 5 iba pa 'abswelto' sa kidnapping, pananakit ng 2 magsasaka sa Bulacan
This 2018 photo shows convicted kidnapper and retired general Jovito Palparan Jr., who was transferred to the New Bilibid Prison that year.
The STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines (Updated 4:06 p.m.) — Napatunayang "hindi nagkasala" ng isang korte sa Bulacan si retired Maj. Gen. Jovito Palparan at iba pa sa patung-pataong na kasong kidnapping, serious illegal detention at serious physical injuries — bagay na inihain ng dalawang magsasaka.

Ang desisyon ng Malolos City Regional Trial Court Branch 19, Biyernes, ay ibinaba kaugnay ng nauna nang reklamong inihain ng mga magsasakang sina Raymond at Reynaldo Manalo.

Matatandaang 10 taon na ang ang nakalilipas matapos ihain ng magkapatid na Manalo ang kaso laban kay Palparan, na siyang kontrobersyal dahil sa paglabag ng karapatan ng mga aktibista at progresibo noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinamahan ang mga Manalo ng kanilang mga abogado mula sa National Union of Peoples' Lawyers (NUPL), pati na ang mga magulang ng dinukot na kabataang aktistang sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.

 

 

Matatandaang nahatulang guilty si Palparan — dating kumander ng 7t Infantry Division ng Army sa Central Luzon — sa pangingidnap sa UP students na sina Cadapan at Empeño noon pang 2006.

Una nang nagamit ang testimonya ni Raymond Manalo upang matiyak ang "guilty" verdict sa abduction nina Karen at Sherlyn. Sinasabing nakaligtas sa 18-buwang torture ng militar si Raymond.

Kilalang anti-komunista si Palparan at may mahabang kasaysayan ng red-tagging laban sa mga ligal na aktibista. 

Dati nang ibinalitang dinukot ang dalawang Manalo hapon noong Pebrero 2006 mula sa kanilang bukirin sa San Ildefonso, Bulacan.

Sinasabing iginapos sila at piniringan bago ipasok sa likod ng isang L300. Inirereklamo rin ang pangkat nina Palparan ang pambubugbog sa kanila bago dumating ng Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

Ang mga naturang pananakit ang itinuturong dahilan kung bakit aniya umamin si Reynaldo sa diumano'y pagpatay sa 10 kawani ng Philippine National Police.

'Desisyon mahirap ipaliwanag sa biktima'

Dismayado naman sina NUPL chairperson Edre Olalia, na tumatayo ring bahagi ng private prosecution team, sa ibinabang desisyon ng Malolos RTC.

"Simply unbelievable if not disturbingly shocking," wika ni Olalia sa isang pahayag.

"It would be tremendously difficult to explain to the Manalo brothers, the parents of still missing Karen and Sherryl and countless others he had redtagged and victimized how they cannot seek legal redress despite the 'credible, categorical and convincing' accounts that even the appellate courts have priorly established."

"It is even a huge challenge to make sense of how he can be earlier convicted mainly on the basis of the testimony of the same witness survivor by one court and years later would be acquitted on the same testimony in a separate case brought by the same said witness survivor in another court."

Dagdag pa niya, hindi raw ito maintindihan sa ngayon ng mga biktima. Gumuguho rin aniya ng desisyon ang tiwala ng mga nabanggit sa korte lalo na't ginawa nila ang lahat sa kabila ng mga peligro.

Ikinalulungkot din ng NUPL ang nangyari lalo na't bigo raw ang araw na itong magdala ng katarungan para sa mga patuloy na nawawala, tinortyur at pinatay.

"Let this day be a day that will never happen again," panapos ni Olalia. — may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

ACTIVISM

BULACAN

HUMAN RIGHTS VIOLATIONS

JOVITO PALPARAN

KIDNAPPING

MALOLOS

PHYSICAL INJURIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with