^

Bansa

Nababalitang 'hospital lockdown' vs COVID-19 hindi totoo — DOH

Philstar.com
Nababalitang 'hospital lockdown' vs COVID-19 hindi totoo — DOH
This photo taken on September 16, 2022 shows a nurse walking along a hallway before entering an intensive care unit for COVID-19 patients at a hospital in Manila.
AFP/Kevin Tristan Espiritu, File

MANILA, Philippines — Inilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi totoo ang kumakalat na balita online na may ospital na naka-lockdown dahil diumano sa isang kaso COVID-19.

Ito ang ibinahagi ng kagawaran sa mga reporter at social media nitong Huwebes ng hapon.

"The Department of Health (DOH) advises the public against a circulating message claiming that a hospital is currently on lockdown because of a patient with COVID-19," sabi ng ahensya sa isang pahayag na inilabas kahapon, October 5.

“No DOH hospital is currently implementing a lockdown and all DOH hospitals remain fully operational."

Inabisuhan din ng DOH ang publiko na huwag nang ikalat pa ang mga mensaheng ito at maging alisto sa mga impormasyong ikinakalat sa social media.

Nilalaman ng ikinakalat na mensahe ang sumusunod:

Baka may mga kamag anak or kakilala kayo na pupunta ng [pangalan ng ospital]. Pakisabihan nio nalang na wag ppnta dahil naka lockdown ang hospital dahil may nakapasok na may corona virus. Galing [pangalan ng lugar] daw yung patient dinala sa [pangalan ng lugar]. Pa send nalang sa mga friendlist niyo.at ingat tau lahat.

Kasalukuyang nasa 3,055 ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa bansa ayon  sa case tracker ng DOH nitong Biyernes.

Ayon din sa tracker, umabot na sa 4,115,714 ang total cases ng bansa, kung saan naka-recover ang 4,045,957 dito.

“The DOH calls on the public to be vigilant in sharing information and only source health news and information from official DOH platforms," panapos ng ahensya. — intern Matthew Gabriel

DEPARTMENT OF HEALTH

HOSPITAL

LOCKDOWN

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with