Inflation rate umapaw lalo sa 6.1%; presyo ng pagkain itinuturong dahilan
MANILA, Philippines — Tumulin lalo ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo sa Pilipinas nitong Setyembre, bagay na pangunahing itinutulak ng presyo ng pagkain.
Umabot kasi sa 6.1% ang kabuuang inflation rate ng Pilipinas noong Setyembre 2023, bagay na malayo sa 5.3% na naitala isang buwan bago ang naturang panahon.
"The uptrend in the overall inflation in September 2023 was primarily brought about by the higher year-on-year increase in the heavily-weighted food and non-alcoholic beverages at 9.7% during the month from 8.1 percent in the previous month," ulat ng Philippine Statistics Authority, Huwebes.
"Transport, with inflation rate of 1.2% during the month from 0.2% in the previous month, also contributed to the uptrend of the headline inflation."
Nangyayari ang lahat ng ito sa kabila ng pagtatangka ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapababa ang gastusin ng mga Pinoy sa pamamagitan ng price ceiling sa presyo ng bigas at pagbibigay ng fuel subsidy sa mga tsuper at operator ng pampublikong sasakyan.
Una nang sinabi ng Bangko Sentral na posibleng mapanatag ang September 2023 inflation sa pagitan ng 5.3% hanggang 6.1% dahil na rin sa mas mataas na presyo ng langis, kuryente, agricultural commodities at pagsabay ng mas mababang halaga ng piso.
Bukod sa presyo ng mga nabanggit ssa itaas, napansin din ng PSA ang mas mataas na annual increases sa sumusunod na commodity groups:
- kalusugan: 4.1%
- recreation, palakasan at kultura: 5.1%
- serbisyong pang-edukasyon: 3.6%
"The acceleration of food inflation in September 2023 was mainly brought about by the higher inflation for rice with a double-digit inflation rate of 17.9% during the month from 8.7% in August 2023," dagdag pa ng ahensya.
"This was followed by meat and other parts of slaughtered land animals with an inflation rate of 1.3% during the month from a -0.1% inflation rate in August 2023."
Lumalabas na 6.6% na tuloy ang national average inflation simula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, malayo sa 2% hanggang 4%.
Nangyayari ang lahat ng ito kahit na isa sa mga kinampanya ni Bongbong ang pagpapababa ng presyo ng bigas sa P20/kilo habang tumatakbo pa sa pagkapresidente.
- Latest