^

Bansa

Rep. Hagedorn pumanaw na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumanaw na si Palawan 3rd District Rep. Edward Hagedorn sa edad na 76-anyos nitong Martes, Oktubre 3.

Ito ang inanunsyo kahapon sa social media page ng Puerto Princesa City na sinabing payapang binawian ng buhay si Hagedorn.

“Cong. Ed’s life speaks volumes, particularly in his role as a champion for the environment, tourism, agriculture, and peace and order,” saad sa FB page ng Kongresista.

Sa Kamara, si Hagedorn ay isa sa mga mambabatas na pangunahing nagsusulong sa proteksiyon ng sobe­renya at integridad ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Nagsilbi itong alkalde ng Puerto Princesa City mula 1992 hanggang Hunyo 2013.

Isang malaking kawalan sa Puerto Princesa City ang pagkamatay ni Hagedorn, saad pa sa FB page nito.

Nagpaabot na rin ng pakikidalamhati ang mga kapwa mambabatas sa naulilang pamilya ng solon.

“We are deeply saddened by the loss of our cherished colleague, Rep. Edward Solon Hagedorn. More than his roles in the political arena, Cong. Ed was a guiding light and inspiration to many of us personally. His passion for the envi­ronment, tourism, agriculture, and peace was not just a profes­sional pursuit, but a reflection of his soul,” pahayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

EDWARD HAGEDORN

PUERTO PRINCESA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with