^

Bansa

'Peak intensity': Signal no. 2 itinaas sa Batanes dahil sa Typhoon Jenny

James Relativo - Philstar.com
'Peak intensity': Signal no. 2 itinaas sa Batanes dahil sa Typhoon Jenny
Namataan ang sentro ng bagyo 350 kilometro silangan ng Basco, Batanes bandang 4 a.m. ngayong Martes, ayon sa huling taya ng PAGASA.
RAMMB

MANILA, Philippines — Napanatili ng Typhoon Jenny ang lakas nito sa ibabaw ng Philippine Sea bago ang tinatayang paglabas nito sa Philippine area of responsibility sa Huwebes.

Namataan ang sentro ng bagyo 350 kilometro silangan ng Basco, Batanes bandang 4 a.m. ngayong Martes, ayon sa huling taya ng PAGASA.

  • Lakas ng hangin: 165 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 205 kilometro kada oras
  • Pagkilos: 15 kilometro kada oras
  • Direksyon: kanluran hilagangkanluran 

"JENNY is likely at or near its peak intensity. A weakening trend is forecast to begin today due to increasing dry air entrainment and vertical wind shear," wika ng state weather bureau ngayong araw.

"JENNY is forecast to move northwestward or west northwestward until tomorrow morning or afternoon before turning generally westward thereafter."

Tinatayang makalalabas ng PAR ang bagyo sa pagitan ng Huwebes ng umaga o hapon at posibleng mag-landfall sa timog bahagi ng Taiwan pinakamaaga sa Miyerkules.

Kasalukuyang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signals ang ilang bahagi ng bansa sa ngayon.

Signal no. 2

  • Batanes

Posible tuloy makaranas ng "minor to moderate threat to life and property" sa susunod na 24 oras.

Signal no. 1:

  • Cagayan kasama ang Babuyan Islands
  • hilaga at silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, San Pablo, Tumauini, Cabagan, Ilagan City, San Mariano, Santo Tomas, Dinapigue, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Quirino, Delfin Albano, Quezon, Mallig)
  • Apayao
  • hilagangsilangang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)
  • hilagang bahagi ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal, City of Tabuk)
  • Ilocos Norte

Malalakas na hangin ang posibleng matikman ng mga susunod na lugar sa susunod na 26 na oras, dagdag ng PAGASA.

"The most likely highest Wind Signal that will be hoisted is Wind Signal No. 3," wika pa ng state weather bureau.

"In addition, JENNY will continue to enhance the Southwest Monsoon and bring occasional rains over the western portions of Central Luzon, Southern Luzon, and Visayas in the next 3 days."

Maaaring makaipon ng nasa 50-100 milimetro ng ulan sa Batanes at Babuyan Islands ngayong araw. Magiging mas mataas ito sa mga matataas at mabubundok na lugar.

Ang pagpapalakas ng bagyong "Jenny" ay magdadala ng mahahanging panahon sa susunod na tatlong araw sa mga sumusunod na lugar na walang wind signal, lalo na sa mga mga baybayin at matataas na lugar ngayong araw:

  • Aurora
  • Bataan
  • Bulacan
  • Metro Manila
  • CALABARZON
  • Bicol Region
  • kalakhan ng MIMAROPA
  • Western Visayas

JENNY

PAGASA

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with