Food Stamp program inutos palawakin pa
MANILA, Philippines — Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin pa ang Food Stamp Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinabi ni Marcos na dadalhin pa ang nasabijg programa sa kasuluk-sulukan ng Pilipinas.
“I have to say that it’s proceeding smoothly and we will be upscaling it within the next month or so. We are aiming at the next face of this rollout, we are already looking to 3,000 families to be beneficiaries,” ayon pa sa Pangulo.
Matatandaan na nagtungo kamakalawa sa Siargao si Pangulong Marcos para bigyan ang 50 benepisyaryo ng Food Stamp Program. Laman ng Electronic Benefit Transfer (EBT) cards ang P3,000 na food credits.
Pinasalamatan naman ng Pangulo ang international sponsors tulad ng United Nations’ World Food Programme, Asian Development Bank (ADB) at gobyerno ng France sa pagbibigay ng US$3 milyong pondo para sa naturang programa.
“So far, maganda naman kasi. Maganda ‘yung programa na ginawa ng World Food Programme,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Pilot program pa lamang umano ang ginagawa ngayon ng pamahalaan kung saan nasa 3,000 pamilya mula sa Tondo, Manila; Dapa, Siargao; San Mariano, Isabela; Garchitorena, Camarines Sur; at Parang, Maguindanao ang nabigyan ng ayuda.
- Latest