MANILA, Philippines (Updated 5:50 p.m.) — Ganap nang isang bagyo ang dati'y low pressure area (LPA) sa silangan ng Gitnang Luzon, bagay na tatawagin na ngayong bagyong "Jenny."
Namataan ang sentro ng tropical depression 1,400 kilometro silangan ng Timogsilangang Luzon, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA, Biyernes.
Ito na ang ika-10 na nakapasok sa loob ng Philippine area of responsibility ngayong 2023.
- Lakas ng hangin: 45 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 55 kilometro kada oras
- Direksyon: pakanluran
- Pagkilos: 20 kilometro kada oras
"The current forecast scenario shows that hoisting of Tropical Cyclone Wind Signals over areas in Northern Luzon may begin on Sunday in anticipation of the onset of tropical cyclone severe winds," sabi ng state weather bureau.
"However, the hoisting may happen earlier should there be changes in the forecast scenario."
Bagama't wala pang direktang epekto sa bansa, ang lapit ng bagyo sa lupa ay maaaring magdulot ng malalakas na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands sa susunod na limang araw.
Posible ring palakasin ng sama ng panahon ang Hanging Habagat simula Linggo na maaaring magdulot ng minsanang pag-ulan sa Gitna at Timog Luzon.
"The possible enhancement of Southwest Monsoon may result in gusty conditions beginning on Sunday over most of Southern Luzon and Visayas. The gusty conditions are more likely in coastal and upland/mountainous areas exposed to winds," sabi pa ng state weather bureau.
"Jenny is forecast to steadily intensify throughout the forecast period and may reach tropical storm category tomorrow afternoon. It may be upgraded into a typhoon category by Wednesday during its close approach over Batanes area."
Maaaring kumios pakanluran o pakanluran hilagangkanluran ang bagyo hanggang Sabado bago ito pumihit pahilaga sa Philippine Sea silangan ng Northern at Central Luzon.
Nakikita sa ngayon ang paglapit nito sa Batanes sa Miyerkules. Hindi pa inisasantabi sa ngayon ang pag-landfall ni "Jenny" sa Batanes-Babuyan areas o mainland Cagayan.