^

Bansa

‘Ghost project’ ng NIA itinanggi ng construction firm

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinanggi ng isang ma­laking construction firm ang akusasyon na sangkot sila anumang ghost project ng National Irrigation Authority (NIA).

Ayon kay Mary Mae Sebastian, isa sa may-ari ng P.L. Sebastian Construction ng Inayawan, Sta. Cruz Davao del Sur, legal ang kanilang transaksiyon sa pamahalaan at dumaraan sila sa tamang proseso kabilang na ang bidding.

Sinabi ni Sebastian na kabilang sa siyam na proyekto na kanilang nakuha simula ng sila ay lumahok sa mga bidding ay ang Construction / Improvement ng Maguinda­nao-Sultan Kudarat Bdry. Lebak-Kalamansi Road ng DPWH noong May 2009-Disyembre 2011; Construction/ Improvement ng Malabang-Sultan Gumander Road ng DPWH Setyembre 2003-Disyembre 2007; Contract Package 3 Compostela-New Bataan-Liboton Road, Compostela Valley Dis­yembre 2000- Nobyembre 2003; Construction ng Ri­ver Protection/Flood Control Project ng DENR Dis­yembre 2005 - Disyembre 2006; Parang-Barira Road, Upgrading Project Municipality of Parang and Barira, Maguindanao ng GEM2/USAID Pebrero 2006-Marso 2007; Construction ng Baobo Diversion Dam, Right and Left Main Canals and Appurtenant Structures for Southern Philippines Irrigation Sector Project  ng National Irrigation Authority (NIA) Marso 2007 hanggang Agosto 2008, Construction/ Improvement ng Kapalong- Talaingod -Valencia Bukidnon Road ng DPWH Hunyo 2008- Pebrero 2011, Concreting ng Matanao-Kiblawan-Padala Road Package kabilang ang  RROW, Davao del Sur sa ilalim ng DPWH noong Marso 2018- Enero 2019 at  Widening ng Maniki Bridge patungong  Tagum-Panabo Circumferential Road Davao del Norte  ng DPWH noong Hulyo 2018 -Nobyembre 2021.

Binigyan-diin ni Sebastian na lahat ng kanilang proyekto sa pamahalaan ay kanilang natapos sa takdang panahon at ma­ging ang mga materyales na ginamit ay akma sa bawat proyektong kanilang pinapasok.

Ani Sebastian, ang P.L. Construction , Inc., na itinayo noon 1981 ni Petronilo L. Sebastian  Sr. o  “Sir Nilo” at pinamamahalaan ngayon ni Engr. Petronilo Sebastian, Jr. ay kabilang sa AAA Ge­neral Engineering and Building Contractor ng Philippine Contractors Accreditations  Board (PCAB) of the Construction Industry Authority  of the Philippines (CIAP)/ Department of Trade and Industry (DTI). Tatak din ng kumpanya ang pagkakakilanlan na Large B sa General Engineering and Building Category sa ilalim ng Contractor Registration  Certificate (CRC) ng DPWH.

Ang paglilinaw ng mga Sebastian ay kanilang ginawa matapos na sila ay ipatawag ng Senado ukol sa imbestigasyon aa umano’y iregularidad sa mga irrigation projects ng NIA.

NIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with