^

Bansa

Phivolcs pinagsusuot ng N95 mask ang publiko vs Taal volcanic smog

Philstar.com
Phivolcs pinagsusuot ng N95 mask ang publiko vs Taal volcanic smog
People in Manila wear face masks as supplies run out in many stores and in nearby provinces in the south.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naglabas ng babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes ukol sa volcanic smog o vog na mula sa Bulkang Taal, bagay na nakataas sa Alert Level 1.

Ayon sa state volcanologists, ang "vog" ay uri ng gas na acidic at nagdudulot ng irritation sa mata, lalamunan, at sa respiratory tract depende sa kung gaano kadaming gas ang malalanghap at haba ng exposure dito.

“Vog has been affecting the Taal Region since the first week of September 2023 as an average of 3,402 tonnes/day SO2 has been degassed from Taal Volcano for the month,” sabi ng Philvolcs sa isang abiso sa kanilang Facebook page.

Naglabas ang Bulkang Taal ng higit 4,569 tonelada ng sulfur dioxide (SO2) sa nagdaang araw habang may isang malaking ulap nito ang namataan sa bandang kanluran ng bulkan nitong Huwebes.

Nagbabala rin ang ahensya na maaaring malaki ang maging epekto nito sa mga taong mayroong asthma, lung at heart disease, sa mga nakatatanda, mga buntis, at mga bata.

Pinagbabawalan pa rin ang mga sumusunod kaugnay ng bulkan:

  • Pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI, lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures, at pamamalagi sa lawa ng Taal
  • Paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan

Bukod pa riyan, maaari pa rin daw asahan ang mga sumusunod:

  • biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions
  • volcanic earthquakes
  • manipis na ashfall
  • pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas

Anong dapat gawin vs vog?

Inabisuhan ng Philvolcs ang mga lugar na apektado ng vog na:

  • Limitahan ang exposure dito sa pamamagitan ng pag-iwas sa outdoor activities, pananatili sa loob ng bahay, at pagsara ng mga bintana at pinto upang maiwasan ang vog
  • Protektahan ang sarili sa pamamagitan ng facemask, partikular na ang N95 facemask.
  • Pag-inom ng tubig upang maiwasan ang irritation sa lalamunan at paghingi ng tulong sa mga doktor o lokal na health unit kapag naapektuhan nito.

Kaugnay nito, sinuspinde ang klase sa ilang mga lugar sa Metro Manila, Cavite, Batangas, at Laguna dahil sa panganib sa kalusugan na dulot ng vog. 

Ipinaalala rin ng DOST-Phivolcs na nananatiling "abnormal" ang kondisyon ng Taal Volcano ngayong nakataas ang Alert Level 1, at hindi raw maaaring tignan bilang pagtatapos ng eruptive activity.

Maaari raw itong itaas pabalik ng Alert Level 2 kung sakaling magkaroon ng uptrend o pronounced change sa mga binabantayang parameters. — intern Matthew Gabriel

FOG

PHIVOLCS

SMOG

TAAL VOLCANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with