^

Bansa

2 environmentalists laya na nang ibulgar 'pagdukot' sa kanila ng militar

James Relativo - Philstar.com
2 environmentalists laya na nang ibulgar 'pagdukot' sa kanila ng militar
Environmental activists Jhed Tamano (L) and Jonila Castro (C) speak with media representatives at the Commission of Human Rights, in Quezon on September 19, 2023. Two detained environmental activists accused the Philippine military of kidnapping them as they appeared at a government news conference on September 19, fuelling demands by rights groups for the pair to be released.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Napalaya na sina Jonila Castro at Jhed Tamano — mga aktibistang nakikipagtulungan sa mga mangingisda laban sa kontrobersyal na Manila Bay reclamation — ilang linggo matapos dukutin diumano sa Orion, Bataan.

Martes nang iharap ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang dalawa sa media matapos ihayag na "sumuko" ang mga nabanggit sa gobyerno.

Lingid sa kaalaman ng NTF-ELCAC, patotohanan nina Castro at Tamano ang hinalang abduction sa kanila ng militar.

"We proved, because of what happened, that what we are fighting for is correct," wika ni Castro kagabi sa mga reporters.

Kahapon lang nang sabihin ni Tamano na ika-2 ng Setyembre nang bigla silang dukutin ng mga suspek sakay ng isang SUV habang naglalakad sa kalsada. Inakala ng dalawang sindikato ang kumuha sa kanila, ngunit kilala pala sila ng mga nabanggit dahil sa kanilang gawaing pulitikal.

Una nang ipinaliwanag ni Castro na nilalabanan nila ang reklamasyon sa Manila Bay sa dahilang nawawalan ng hanapbuhay ang mga mangingisda sa Bataan.

Kamakailan lang nang iulat ng Global Witness na Pilipinas ang ika-lima ang Pilipinas sa pinakadelikadong lugar para sa mga tagapagtanggol ng kalikasan at lupa. Maynila din ang pinakapeligroso as buong Asya.

Ipinapangawagan naman sa ngayon ni Tamano ang agarang "paglitaw sa iba pang biktima ng forced disappearances" ng gobyerno.

'Naisahan kami'

Una nang iginigiit ng kontrobersyal na NTF-ELCAC, National Security Council (NSC), at Armed Forces of the Philippines (AFP) na iniligtas lang daw nila ang dalawa matapos "magpasaklolo" mula sa rebeldeng Communist Party of the Philippines - New People's Army (CPP-NPA).

Aniya, hindi raw environmentalists ang dalawa at sa halip miyembro ng Kabataan party-list at Karapatan — mga ligal na grupong kanilang nire-red tag. 

"We are appalled as we are deeply saddened by the unfortunate turn of events during this morning’s press conference at the Municipal Hall of Plaridel town in Bulacan where youths Jhed Reiyana Tamano and Jonila Castro parroted the propaganda lines of Leftist groups on their supposed abduction by security forces," sabi ng NTF-ELCAC kahapon.

"We felt betrayed... The NTF-ELCAC stands by the position of the 70th Infantry Battalion under LtCol. Ronnel Dela Cruz on the circumstances surrounding the surrender of Tamano and Castro, backed up by the duo’s respective affidavits narrating their whereabouts from the time they decided to leave the underground movement until their safe arrival at the Battalion headquarters with the help of a friend."

Una nang sinabi ni Castro na pinapirma sila ng affidavit ng mga militar sa loob nang kampo kahit na labag sa kanilang kalooban. Pinagbantaan din daw ang kanilang buhay.

Ngayong Miyerkules lang nang sabihin ni Kej Andres, pambansang tagapangulo ng Student Christian Movement of the Philippines, na NTF-ELCAC talaga ang pasimuno ng mga panloloko sa pamamagitan ng sistematikong ted-tagging.

"With the outcome of the press conference yesterday, the NTF-ELCAC have been proven again to be liars, kidnappers, delusionals, and human rights violators. They are exposed and no one should trust them," ani Andres.

Matagal nang binabanatan ng human rights groups ang NTF-ELCAC simula noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kasaysayan daw nito ng pagbisita at pag-imbita sa mga biktima sa mga "local peace forums" bago mapatay.

Ganito aniya ang kinasapian nina Puroy at Pulong dela Cruz, dalawa sa siyam na aktibistang napaslang sa Bloody Sunday massacre noong ika-7 ng Marso. — may mga ulat mula sa Agence France-Presse

ACTIVISM

BATAAN

ENFORCED DISAPPEARANCES

NATIONAL SECURITY COUNCIL

NTF-ELCAC

ORION

RECLAMATION

RED-TAGGING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with