Pamimigay ng nakumpiskang bigas sa mahihirap, panabla sa smugglers – kongresista
MANILA, Philippines – Pinakamabisang panlaban sa smuggling ang desisyon ni Presidente Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na ipamigay ang smuggled at hoarded rice sa mahihirap na pamilya, ayon sa isang mambabatas.
Sinabi ni Bulacan 6th District Rep. Salvador Pleyto na ang desisyon ni Pangulong Marcos ay mangangahulugan na “ang mga nakumpiskang smuggled rice ay hindi na maisasalba ng suhol.”
Ang kautusan ng Pangulo ay ipinatupad sa Tungawan, Zamboanga Sibugay kung saan ang mga nasabat na bigas ay ipinamahagi sa mga residente at local government units sa lalawigan.
“By giving them to the people, it has been placed beyond the reach of those who have illegally brought them in,” sabi ni Pleyto, miyembro ng House Agriculture and Food Committee.
“The President’s action sent the strong signal that there should be no revolving door for smuggled rice in the government,” dagdag pa ng mambabatas.
Nauna rito ay tiniyak ni PBBM sa publiko na walang humpay ang pagkilos ng kanyang administrasyon upang tuldukan ang smuggling activities na nakapipinsala sa agricultural sector ng bansa.
Inatasan na ng Pangulo ang Bureau of Customs (BOC) na tugisin ang mga smuggler at puksain ang kanilang illegal operations.
Pinuri niya ang BOC sa pagkakakumpiska nito ng 42,180 bags ng imported rice na nagkakahalaga ng P42 million sa isang bodega sa Barangay San Jose Gusu, Zamboanga City noong September 15.
Nanindigan ang Pangulo na sumusunod ang pamahalaan sa batas sa pagkumpiska ng smuggled items, kung saan binibigyan ang mga suspects ng 15-day notice para pakinggan ang kanilang panig.
- Latest