^

Bansa

Siling labuyo naglagablab sa P800/kilo matapos lumobo inflation

James Relativo - Philstar.com
Siling labuyo naglagablab sa P800/kilo matapos lumobo inflation
A vendor sells chilli peppers at a wet market in Manila on May 30, 2013.
AFP/Noel Celis, File

MANILA, Philippines — Kung naluluha ang ilan sa anghang ng siling labuyo, mas nakakaiyak naman para sa maraming consumer ang presyo nito ngayon sa National Capital Region (NCR).

Sa price monitoring ng Department of Agriculture nitong Huwebes, papalo na kasi sa P550 hanggang P800 ang retail price range kada kilo ng "chili" o siling labuyo.

Malayo-layo ito sa presyo ng naturang pampaanghang isang linggo na ang nakaraan sa P450 hanggang P650 kada kilo.

Kabilang sa mga sinuring palengke ng DA kahapon ang sumusunod:

  • Commonwealth
  • Guadalupe
  • Las Piñas
  • Malabon
  • Marikina
  • Mega Q-Mart
  • Muntinlupa
  • Muñoz
  • Pasay
  • Pasig
  • Pritil
  • Quinta
  • San Andres

Kakulangan ng suplay?

Una nang naiulat ng The STAR na nangyari ang pagsirit ng mga presyo dahil diumano sa "kakulangan ng suplay" matapos mapinsala ang humigit-kumulang 100 ektaryang taniman ng mga nagdaang typhoon at Hanging Habagat.

"We are now looking for alternative areas to supply Metro Manila to be able to bring down the prices in the next weeks or months," wika ni Bureau of Plant Industry (BPI) deputy spokesperson Henry Esconde.

"Based on the report from the provinces, as of Sept. 13, the farmgate price reached P500, P400, P300 particularly in Cagayan Valley, Central Luzon and Calabarzon."

Paliwanag pa ng opisyal, nagtaasan din daw sa ngayon ang farmgate price ng lokal na sili sa ngayon.

Ilan sa mga lugar na tinitignang pagkunan ng lokal na sili ang Visayas at Mindanao, partikular na ang Davao Oriental. Inilinaw din ni Esconde na walang kinalaman sa hoarding ang paglobo ng mga presyo.

Nangyayari ang lahat ng ito ilang araw lang matapos maiulat na sumirit sa 5.3% ang inflation rate, primarya dahil sa bilis ng pagtaas ng presyo ng pagkain.

Matatandaang nagpatupad kamakailan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng P41 kada kilo at P45 kada kilong "price ceiling" upang kontrolin ang presyo ng nagmamahalang regular milled rice at well-milled rice.

CHILI

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

INFLATION

LABUYO

MARKET

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

SHORTAGE

SUPPLY

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with