^

Bansa

Pinsala sa agrikultura ng nagdaang 3 bagyo nasa P959.7 milyon na

Philstar.com
Pinsala sa agrikultura ng nagdaang 3 bagyo nasa P959.7 milyon na
Students and parents wade through floodwaters at Hagonoy West Central School in Bulacan on the opening of classes on August 29, 2023.
The STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Umabot na sa P959.7 milyong halaga ang pinsala sa sektor ng agrikultura ng mga nagdaang Tropical Depression Ineng, Super Typhoon Goring, Typhoon Hanna at ng pinalakas nitong hanging habagat.

Ayon ito sa situational report na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules kung saan binanggit na 638,967 na ang bilang ng mga residenteng naapektuhan ng malakas na pag-ulan dulot ng mga bagyo.

Hinagupit ang bansa ng tatlong sunod-sunod na bagyo sa nakaraang linggo na nakaapekto sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, at Cordillera Administrative Region.

Sa higit 600,000 residenteng naapektuhan, kabilang dito ang 34,303 na mangingisda at magsasakang naapektuhan.

Ayon din sa report, higit 45,859.48 ektaryang lupang sakahan ang naapektuhan. Sinasabing 3,213.37 ektarya rito ang wala nang pag-asang maka-recover.

Naitala rin ang isang kumpirmadong patay at injured dahil sa epekto ng malakas na pag-ulan, habang iniimbestigahan pa ang posibleng pagkamatay ng isang tao, pagkawala ng isang tao, at pagtamo ng injury ng dalawang tao.

Nabalitaang umalis na sa Philippine area of responsibility ang bagyong "Ineng," ngunit inaasahan pa rin ang masungit na panahon sa susunod na mga araw dahil sa mas pinalakas na hanging habagat, na maaari pang magpataas sa bilang ng mga naapektuhan at napinsala. — intern Matthew Gabriel

AGRICULTURE

GORING

HANNA

INENG

NDRRMC

SOUTHWEST MONSOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with