^

Bansa

Influencers hinikayat: 'Wag i-endorso iligal na online gambling sites

Philstar.com
Influencers hinikayat: 'Wag i-endorso iligal na online gambling sites
Kuha ng isang online gambling game.
AFP

MANILA, Philippines — Panawagan ng isang grupo na itigil ng mga online influencers ang kanilang pag-endorso sa mga iligal na online gambling sites.

Sa isang pahayag nitong Lunes, binanggit ng Digital Pinoys, isang grupo ng mga digital advocates, na dapat mas isipin ng mga online influencers ang mapahamak na epekto ng unregulated gambling operators sa mga nagiging biktima nito.

"Social media influencers should stop engaging with unregistered online gambling sites as their endorsement creates more victims,” sabi ni Ronald Gustilo, national campaigner ng Digital Pinoys.

“They should be aware that it is their endorsement that helps create the situation for people to be duped by these illegal sites."

Binanggit din ni Gustilo na makakatulong ang mga influencers kung kanilang ire-report sa gobyerno ang kanilang mga contacts sa mga naturang gambling sites.

"By disclosing their contacts working with illegal gambling sites, social media influencers will be giving the campaign against the illegal activities of online gambling site operators a big boost," sabi ni Gustilo.

Liban sa pagpapatakbo nang walang permit, sinasabing may kaugnay ang mga ilegal gambling sites na ito sa mga ilang insidente ng mga kahina-hinalang transaksyon sa mga e-wallet at online banking accounts.

Tinukoy ng Digital Pinoys ang mga influencers at Facebook pages na nag-eendorso ng mga nasabing pasugalan:

  • Sierra shots
  • Choco Moto
  • Chief Kratos
  • Ginebra Ars
  • Team Bulugoy TV
  • Papa Ace Cebu
  • John Vincent Official
  • Tanleytv
  • Bitoy TV
  • Soriaga9272
  • Ginebra Ako memes
  • UAAP - NCAA memes
  • CLX basketball PH
  • Nasaktan basketball association
  • Basketball nation

Kaugnay ng kanilang panawagan sa National Telecommunications Commission na i-block ang mga gabling sites na ito sa bansa, ipinanawagan din ng grupo sa gobyerno na makipagtulungan sa mga networks kung saan matatagpuan ang naturang mga website.

"More than 90% of blocked illegal gambling websites were hosted by Cloudflare, Amazon and Microsoft,” sabi ni Gustilo.

“If the government will be able to make these hosting providers cooperate, the campaign against illegal gambling sites will be given a huge boost."

Disyembre 2022 lang nang magbabala ang PAGCOR sa mga illegal gambling sites at mga parokyano nito. Aniya, krimen ang pagtaya sa ganitong sites at siyang nagkakait ng bilyun-bilyong pondo sa mga priority programs ng gobyerno.

Paliwanag nila, meron namang mga website ng online-based gaming gaya ngElectronic games (E-Games) at Electronic bingo games (E-Bingo) na mayroong permit mula sa PAGCOR ay makikita ang listahan ng mga ito sa kanilang opisyal na website.

Dagdag pa nila, matitiyak na kasiya-siya at ligtas ang paglalaro sa mga lisensyadong pasugalan. Maiiwasan daw dito ang mga modus gaya ng identify theft at credit card fraud. — intern Matthew Gabriel

ONLINE GAMBLING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with