Bagong bagyo: 'Ineng' namataan silangan ng extreme northern Luzon
MANILA, Philippines — Ganap nang isang bagyo ang dating low pressure area sa silangan ng dulong hilagang Luzon, bagay na tatawagin na ngayong "Ineng."
Naobserbahan ng PAGASA ang Tropical Depression Ineng sa layong 925 kilometro silangan ng dulong hilagang Luzon bandang 4 a.m. ngayong Martes.
- Lakas ng hangin: 45 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 55 kilometro kada oras
- Direksyon: pahilaga
- Pagkilos: mabagal
"Tropical Depression Ineng is not directly affecting the country, although it is slightly enhancing the southwest monsoon (alongside Tropical Storm Haikui, which enhances it more),"
"The enhanced monsoon will bring occasional to monsoon rains over the western portions of Luzon in the next three days."
Hindi pa rin nakikitang direktang magdadala ng malalakas na hangin ang bagyo sa Pilipinas.
Gayunpaman, tinataya ang mahangin panahon dulot ng pinalakas nitong hanging habagat sa mga sumusunod na lugar ngayong araw:
- Batanes
- Ilocos provinces
- kanlurang bahagi ng Pangasinan
- Zambales
- Bataan
- Kalayaan Islands
- Lubang Island
- Romblon
"Ineng is forecast to remain far from the Philippine landmass. Tracking generally northeastward or north northeastward while gradually intensifying throughout forecast period, it may exit the Philippine Area of Responsibility tonight or tomorrow as a tropical storm," dagdag pa ng state weather bureau.
"Outside the PAR region, Ineng will continue in its northeastward or north northeastward movement towards the waters south of mainland Japan."
Ang lahat ng ito ay nangyayari ilang araw pa lang matapos makalabas ng Philippine area of responsibility ng mga nagdaang Super Typhoon Goring at Typhoon Hanna.
- Latest