^

Bansa

10-dash line ng China, imahinasyon lang – solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Imahinasyon lamang umano at walang basehan ang iginigiit ng China na 10-dash line na bagong mapa na bahagi lang ng propaganda nito at militaristang aksiyon sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) o South China Sea.

Ayon kay House De­puty Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, malinaw na naninindak lamang ang China sa pagpapalawak ng nasasakupan laban sa mga kaagaw nito sa teritoryo.

Ang nasabing 10 dash line ay inilabas ng China sa bago nitong mapa kung saan nasaklaw na ang bahagi ng nasasakop ng 200 Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

“It has no basis whatsoever. We in Congres can strengthen our positions in the area to counter China’s aggressive acts by filing and approving  a map of our territories and exclusive economic zone (EEZ) using the favorable ruling from the Permanent Court of Arbitration (PCA) affirming the country’s claims in the West Philippine Sea”, pahayag ni Castro.

Magugunita na ibinasura ng Court of Arbitral Tribunal ang naunang 9-dash line  ng China na pumabor sa bansa noong 2016.

Kasabay nito, hinikayat ng lady solon si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na gamitin ang internasyonal na parliamentary networks ng Kongreso para ikondena ang malinaw na panlulupig at pagmamanipula ng China sa pinagtatalunang teritoryo.

“We can also use our position as standing members of the Asian Parliamentary Association (AIPO) and the Inter Parliamentary Union (IPU) to gather international support against Chinese militarization of West Philippine Sea and its attacks on Philippine vessels,” ani Castro. Binigyang diin ni Castro na hindi magiging mahirap na makakuha ng suporta sa mga parliyamentaryo at mga inbididwal na miyembro nito para ipaglaban ang soberenya ng bansa sa WPS.

“We may not win through military might but certainly we are strong in the legal, moral and diplomatic arenas,“ sabi pa ng lady solon.

vuukle comment

WPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with