^

Bansa

PAGASA: Bagyong 'Hanna' tumindi, isa nang typhoon

James Relativo - Pilipino Star Ngayon
PAGASA: Bagyong 'Hanna' tumindi, isa nang typhoon
Ayon sa PAGASA, bandang 10 a.m. nang mamataan ang sentro ng bagyo 785 kilometro silangan hilagangsilangan ng Itbayat, Batanes, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA ngayong Biyernes.
Joint Typhoon Warning Center

MANILA, Philippines — Lumakas pa lalo patungong typhoon category ang bagyong "Hanna" habang patuloy na pinalalakas nito, at dalawa pang sama ng panahon, ang hanging habagat na siyang magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon sa mga susunod na araw.

Ayon sa PAGASA, bandang 10 a.m. nang mamataan ang sentro ng bagyo 785 kilometro silangan hilagangsilangan ng Itbayat, Batanes, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA ngayong Biyernes.

  • Lakas ng hangin: 120 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 150 kilometro kada oras
  • Direksyon: pakanluran
  • Pagkilos: 20 kilometro kada oras

"Hanna is forecast to move generally west northwestward or northwestward throughout the forecast period," wika ng PAGASA ngayong hapon.

"Hanna is forecast to exit the Philippine Area of Responsibility on Sunday morning."

Ang lahat ng ito ay nangyayari kahit na kalalabas pa lang ng noo'y Super Typhoon Goring sa PAR nitong mga nakaraang araw.

Hindi pa rin nakikitang direktang magdadala ng malalakas na pag-ulan ang bagyo sa kabuuang forecast period.

Sa kabila nito, pinalalakas ng "Hanna," kasama ng Super Typhoon Saola (dating bagyong "Goring") at Severe Tropical Storm Kirogi sa labas ng Philippine area of responsibility, ang hanging habagat. 

Magdadala ang habagat ng minsanan hanggang monsoon rains sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw.

Tinatayang mas maraming ulan ang babagsak sa mga matataas at mabubundok na lugar. Sa ilalim nito, malaki ang tiyansang makapagtala ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga naturang lugar.

Ang pinalakas na habagat ay magdadala ng mahanging panahon sa mga sumusunod na lugar ngayong araw lalo na 'yung mga nasa baybayin at matataas na erya:

  • Batanes
  • Ilocos Region
  • Cordillera Administrative Region
  • Zambales
  • Bataan
  • Aurora
  • Bulacan
  • Metro Manila
  • CALABARZON
  • MIMAROPA
  • Bicol Region
  • Western Visayas
  • hilagang bahagi ng Eastern Visayas

"On the track forecast, the tropical cyclone is forecast to pass close or make landfall in the vicinity of Yaeyama Islands in the Ryukyu archipelago between tomorrow afternoon and evening, then make landfall or pass close to the northern portion of Taiwan on Sunday morning," dagdag ng PAGASA.

"Hanna is forecast to reach its peak intensity tomorrow prior to its close approach or landfall over northern Taiwan. Rapid weakening will then ensue following its landfall over mainland China on Sunday."

Sa labas ng PAR, nakikitang pipihit ang bagyo pahilagangkanluran habang tumatawid ito sa ibabaw ng Taiwan Strait bago sumalpok uli sa mainland China sa darating na Linggo ng hapon o gabi.

HANNA

PAGASA

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with