^

Bansa

Marcos nagpatupad ng 'price ceiling' sa bigas: P41 at P45 kada kilo

Pilipino Star Ngayon
Marcos nagpatupad ng 'price ceiling' sa bigas: P41 at P45 kada kilo
Vendors sell a variety of rice products at the Baguio City Market on May 25, 2022.
STAR / Andy Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang "mandated price ceilings" sa presyo ng regular milled rice at well-milled rice — pero lagpas doble pa rin ito sa ipinangako niyang P20 kada kilo noong panahon ng kampanya.

Bahagi ito ng Executive Order 39 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Huwebes matapos irekomenda kay Marcos ang pagkontrol ng presyo sa buong bansa para maging mas abot-kaya ito sa mga Pinoy kasabay ng pagsirit nito sa merkado.

Dahil dito, inuutos na hindi maaaring lumagpas sa sumusunod na presyo ang mga naturang uri ng bigas:

  • regular milled rice: P41/kilo
  • well-milled rice: P45/kilo

"The mandated price ceilings shall remain in full force and effect unless lifted by the president upon the recommendation of the Price Coordinating Council or the DA and the DTI," wika ng order.

 

 

May kapangyarihan si Marcos magpataw ng price ceiling sa anumang basic necessity at prime commodity alinsunod sa Section 7 ng Republic Act 7581. Agad-agad itong ipapatupad oras na mailimbag sa sa Official Gazette o dyaryong may general circulation.

Nagmula ang rekomendasyong ito ng Department of Agriculture, na siyang pinamumunuan ni Bongbong bilang kalihim, at Department of Trade and Industry sa biglaang pagtaas ng retail prices ng bigas sa bansa, bagay na nagpapaaray ngayon sa maraming Pilipino.

Tinatayang aabot sa 10.15 milyong metrikong tonelada pa ang suplay ng bigas para sa ikalawang semestro ng taon. Sapat pa raw ito para sa kasalukuyang 7.76 MMT demand at maaaring magresulta sa ending stock na 2.39 MM na tatagal ng 64 na araw.

Illegal price manipulation?

Batay sa projection, sinabi ng DA at DTI sa EO 39 na nakaabot na sa "stable level" ang suplay ng bigas at sapat na dahil diumano sa pagpasok ng rice imports at inaasahang surplus sa lokal na produksyon. Pero may problema pa rin daw.

"[D]espite steady supply of rice, the DA and DTI have also reported widespread practice of alleged illegal price manipulation, such as hoarding by opportunistic traders and collusion among industry cartels in light of the lean season, as well as global events taking place beyond the Philippines’ control," dagdag pa nito.

Miyerkules lang nang sabihin ng DA na ibinebenta sa P47 hanggang P56/kilo ang lokal na well-milled rice habang nasa P42 hanggang P55/kilo naman ang regular milled.

Agosto lang nang ipayo ni Trade Secretary Alfredo Pascua na magkaroon ng diet adjustment ang mga Pilipino gaya ng pagkain ng mas at kamote ngayong mahal ang bigas.

Kamakailan lang nang sabihin ni Agriculture Undersecretary for Policy, Planning, and Regulations Mercidita Sombilla na mahihirapang matupad ang P20/kilong bigas sa loob ng dalawang taon, bagay na ipinangako ni Marcos noong kumakandidato pa. — James Relativo

BONGBONG MARCOS

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

PRICE CEILING

RICE

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with