Busto ni Gat. Marcelo H. Del Pilar pinasinayaan sa pagdiriwang ng Press Freedom Day
MANILA, Philippines — Pinasinayaan nitong Miyerkules, Agosto 30 ang busto ni Gat Marcelo H.Del Pilar sa National Press Club (NPC) grounds sa Magallanes Drive, Intramuros, Maynila bilang bahagi ng Press Freedom Day at ika-173 taong pagsilang ng pinakatanyag na propagandista at mamahayag ng Pilipinas na lumaban para sa Kalayaan gamit ang panulat.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng ilang mataas na opisyal at mga sumuporta sa NPC na naniniwalang ang mamamahayag ang tinig ng katotohanan at patuloy na maging haligi ng pamamahayag sa Pilipinas.
Kabilang sa dumalo sina MPD District Director PBGen. Andre Dizon at PNP spokesperson PBGen. Redrico Maranan na kumatawan kay PNP Chief PGen. Benjamin Casuga Acorda Jr., na tiniyak na mananatili ang respeto at seguridad ng mga mamamahayag.
Ayon kay NPC President Lydia Bueno, idineklara ang ika-30 ng Agosto ay idineklara bilang “National Press Freedom Day” sa bisa ng batas Republika 11699 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-13 ng Abril 2022.
Pinasalamatan din ng pamunuan ng NPC ang ilan sa mga tumulong upang maitayo ang busto ni Del Pilar tulad ni ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo, Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) at Pasay City Host Lions Club.
- Latest