Pangulong Marcos nagbigay pugay sa ‘unsung heroes’ sa Araw ng mga Bayani
MANILA, Philippines — Hinamon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bawat Filipino na maging bayani ng kanilang pamilya at komunidad.
Sa mensahe ni Marcos sa paggunita sa Araw ng mga Bayani, hinikayat niya ang bawat isa na pahalagahan at ipagmalaki ang kalayaang tinatamasa ngayon dahil sa katapangan at sakripisyo ng mga ninunong bayani.
Kaya hinamon din ng Pangulo ang mga Filipino na maging bayani sa sariling gawa sa pamamagitan ng pagiging tapat, masigasig at may malasakit.
Kaya umano maging bayani ng bawat isa sa pagtataguyod ng kapakanan ng kanilang pamilya at komunidad.
Kinilala rin ni Marcos ang magandang halimbawa ng yumao na si Migrant Workers Secretary “Toots” Ople na isang tunay na bayani na walang pagod na inilaan ang kanyang buhay para sa kapakanan ng mga makabagong bayani ngayon at malaking kawalan sa bansa.
Si Ople ang kauna-unahang kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW) ay sumakabilang buhay dahil sa sakit na cancer sa edad na 61.
Nais din ni Marcos alalahanin ang umanoy “unsung heroes” na ang mga kabayanihan ay maaaring magmula sa ibat ibang porma mula sa mga nakipaglaban sa mga dayuhan mananakop hanggang sa mga simpleng mamamayan.
“If all of this means anything, it is that each of us has the capacity to be a hero of our nation. Hence, on this year’s ‘National Heroes Day,’ I enjoin every Filipino across the globe to celebrate with a renewed understanding and sense of pride for the fortitude that is naturally abundant in our hearts as a people,” ayon pa kay Marcos.
- Latest