Island reclamation projects, coastal protection ‘di magiging sanhi ng pagbaha
MANILA, Philippines — Iginiit ng isang opisyal ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na ang island reclamation project ay magsisilbi na coastal protection laban sa storm surges at tsunamis at hindi magpapaigting nang pagbaha sa Metro Manila.
Ginawa ni PRA assistant general manager Atty. Joseph Literal ang pahayag kasunod ng desisyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na suspendihin ang 22 reclamation projects sa bansa habang nakabinbin ang impact assessment.
Sinabi ni Literal na ang Manila Bay reclamation projects ay ginawa para maka-survive sa storm surges at tsunamis at nakatugon sa climate change protections.a
Tiniyak din ni Literal sa publiko na mai-enjoy pa rin ang Manila Bay Sunset sa sandaling makumpleto ang reclamation projects dahil maglalagay sila ng isang malaking viewing deck sa iba’t ibang lokasyon.
“Mas mahaba at mas marami ang pagkakataon ng mga tao sa Metro Manila to view the sunset from a different vantage point. Walang obstruction kasi nandoon na sila mismo sa harap na harap ng Manila Bay,” dagdag ni Literal.
Nilinaw rin ni Literal na 13 lamang sa 22 reclamation projects ang sinuspinde ng DENR sa Manila Bay.
Ito ay hinahawakan ng iba’t ibang local government Units (LGUs) gaya ng Navotas, Manila, Pasay, Paranaque, Las Piñas, Bacoor, at lalawigan ng Cavite.
- Latest