Bagyong Goring, lalo pang lumakas
MANILA, Philippines — Patuloy ang paglakas ng Bagyong Goring habang kumikilos patimog sa Sea East ng Cagayan.
Alas-5 ng hapon kahapon, ang sentro ng bagyong Goring ay namataan ng PAGASA sa layong 145 kilometro silangan hilagang silangan ng Tuguegarao City, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 155 kilometro kada oras at pagbugso na umaabot sa 190 km kada oras.
Dulot nito nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana) at extreme eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan).
Signal No. 2 sa eastern portion ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Maconacon, Cabagan, Tumauini, San Pablo), eastern portion ng Cagayan (Peñablanca, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey), at northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran)
Habang Signal No. 1 sa Batanes, natitirang bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, northern at central portion ng Aurora (Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis), Quirino, natitirang bahagi ng Isabela, Apayao, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, Abra, eastern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Vintar, Carasi, Nueva Era, Banna, Marcos, Dingras, Solsona, Piddig, Dumalneg, Bangui), Pollilo Islands, eastern portion ng Benguet (Bokod, Buguias, Kabayan, Mankayan), eastern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Bongabon, Gabaldon, Laur, Rizal), at Calaguas Islands.
Inaasahan na kikilos si Goring sa pangkalahatang direksyon patimog timog silangan sa susunod na 24 oras bago umikot sa silangan timog silangan papuntang hilangang silangan sa Lunes.
Inaasahan na lalakas pa si Goring at maaabot ang super typhoon category sa Lunes.
Asahan na ang malakas na ulan sa mga nabanggit na lugar dahil sa bagyo.
Palalakasin din ni Goring ang habagat na magdadala ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw.
- Latest