^

Bansa

Governor Mamba pinalaya na ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Governor Mamba pinalaya na ng Kamara
Bandang alas-9 ng gabi nang palayain na sa kustodya ng Kamara si Mamba o ilang oras matapos itong sumuko bago mag-12 ng tanghali.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Pinalaya na nitong Huwebes ng gabi si Cagayan Governor Manuel Mamba kasunod ng inisyung Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema na pumigil sa arrest at detention order ng joint panel ng Kamara laban sa nasabing opisyal.

Bandang alas-9 ng gabi nang palayain na sa kustodya ng Kamara si Mamba o ilang oras matapos itong sumuko bago mag-12 ng tanghali.

Si Mamba ay nakakuha ng TRO mula sa Korte ng nasabi ring araw kaugnay ng inihain nitong petisyon na iginiit na ‘political retribution’ o paghihiganti umano sa pulitika ang imbestigasyon ng Kamara laban sa kaniya.

Gayunman, sinabi ni House Committee on Public Accounts Chairman Joseph Stephen “Caraps“ Paduano na hindi ang TRO ng SC ang pangunahing dahilan ng pagpapalaya nila kay Mamba kundi matapos itong mag-sorry sa joint panel at mangakong makikipagkooperasyon na sa imbestigasyon.

Ang imbestigasyon ay base sa inihaing House ­Resolutions 145 -146 ni 3rd District Cagayan Rep. Joseph “Jojo” Lara kaugnay sa umano’y mga anomalya noong May 2022 polls sa Cagayan kung saan inakusahan si Mamba ng umano’y vote buying.

Sinasabing umaabot sa P320 milyon umano ang ipinamahagi sa mga botante ng Cagayan na itinago sa P1,000 COVID na umano’y ayuda noong campaign period.

TRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with