^

Bansa

15-anyos 'aksidenteng' nabaril sa police operation sa Rizal

Pilipino Star Ngayon
15-anyos 'aksidenteng' nabaril sa police operation sa Rizal
Satellite image ng Rodriguez, Rizal mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Isang menor de edad ang sinasabing nabaril ng isang pulis sa Rodriguez, Rizal, ilang linggo matapos ang kahalintulad na pamamaril sa isang binatilyo sa Navotas.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang pagkabaril sa binatilyong nakilala bilang si John Francis Ompad, isang 15-anyos na aksidente diumanong natamaan ng bala.

Ayon kay Police Captain Mariesol Tactaquin, public information officer ng Rizal police, nangyari ang insidente hatinggabi noong ika-20 ng Agosto habang nagsasagawa ng “Oplan Sita,” isang anti-criminality inspection, ang mga otoridad sa Barangay San Isidro.

Sinabi na nilagpasan ng kapatid ni Ompad na si John Ace, na nakasakay sa isang motor, ang pulis na noo'y pumapara sa kanya para sa isang inspection. Iniiwasan daw ng 22-anyos ang nabanggit sa pag-aakalang magnanakaw ang nabanggit.

Pagdating ng kanilang bahay, binanggit na ibinato raw ni John Ace ang kanyang helmet sa pulis na humahabol sa kanya kung kaya’t pinaputukan siya ng baril bilang pagganti. 

Dito natamaan ng bala si John Francis nang lumabas ito ng kanilang bahay dahil sa narinig na kaguluhan sa tapat ng bahay.

Naisugod pa si Ompad sa East Avenue Memorial Medical Center sa Quezon City ngunit binawian din ng buhay, habang ang kanyang kapatid ay hindi nasaktan.

Nakilala ang dalawang suspect bilang sina Corporal Arnulfo Sabillo, pulis na itinalaga sa Community Police Action Center (Compac) 5 of the Rodriguez Municipal Police Station, at si Jeffrey Baguio, isang sibilyan.

'May pagkukulang talaga'

"Ang nakita natin, talagang may lapses. Unang-una po, not wearing proper uniform," sabi ni Tactaquin sa isang panayam sa TeleRadyo Serbisyo. 

"And also doon sa pagbato ng helmet, parang sobra-sobra naman 'yung reply mo, response mo, and then ikaw, nag-draw ka ng firearm mo, pinutukan mo. Parang excessive force naman ang iyong ginamit."

Bahagi rin ng ginagawang imbestigasyon ang balitang may kasamang sibilyan ang pulis.

"Anong ginagawa ni civilian na sila ay magkasama? Hindi naman po pupuwede na ako’y isang pulis, para lang maka-comply sa buddy-buddy system ay magsasama ako ng ka-buddy ko na hindi naman pulis, wala pong ganoon," sabi ni Tactaquin.

Ang dalawang suspect ay kasalukuyang haharap sa kasong homicide at attempted murder, habang ang iba pang personel ng Compac 5 ay iimbestigahan din para sa mga posibleng pagkukulang na nangyari sa gabi ng pamamaril.

Maaalala rin na nitong August 2 lamang nang mabaril din ang 17-anyos na si Jemboy Baltazar sa Navotas matapos itong mapagkamalan ng mga pulis bilang suspek sa isang krimen. — intern Matthew Gabriel

MINOR

MOTORCYCLE

POLICE

RIZAL

RODRIGUEZ

SHOOTING INCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with