PAGASA: Bagyong 'Goring' nabuo sa loob ng PAR, posible maging typhoon
MANILA, Philippines — Tuluyan nang naging isang bagyo ang noo'y low pressure area silangan ng probinsya ng Cagayan — bagay na maaaring lumakas pa at maging typhoon category sa loob ng tatlong araw.
Namataan ang sentro ng Tropical Depressikon Goring 400 kilometro silangan hilagangsilangan ng Aparri, Cagayan, ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA bandang 4 a.m. ngayong Huwebes.
- Lakas ng hangin: 55 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 70 kilometro kada oras
- Pagkilos: mabagal
- Direksyon: pakanluran hilagangkanluran
"The current forecast scenario shows that hoisting of tropical cyclone wind signals over areas in Northern Luzon may begin tonight or tomorrow in anticipation of the onset of tropical cyclone severe winds," paliwanag ng PAGASA.
"However, the hoisting may happen earlier should there be changes in the forecast scenario."
Ayon sa state weather bureau, mababa pa ang tiyansang magdala ng malalakas na ulan ang bagyo sa bansa sa susunod na tatlong araw.
Gayunpaman, posibleng magresulta sa heavy rainfall sa Cagayan Valley sa naturang time period kung sakaling magkaroon ng bahagyang paglihis ng sama ng panahon pakanluran dahil sa lapit ng sama ng panahon sa kalupaan.
"The southwest monsoon may be enhanced by this tropical cyclone beginning on Sunday or Monday, resulting in possible occasional rains over the western portions of Central and Southern Luzon," dagdag pa ng PAGASA.
"GORING is forecast to steadily intensify throughout the forecast period and may reach tropical storm category tonight or tomorrow early morning. It may be upgraded into a typhoon category by Sunday during the southward segment of its looping track."
Matapos ang pahilagangkanlurang pagkilos sa susunod na 12 oras, nakikitang pipihit ang bagyong "Goring" patimog habang nasa katubigan malapit sa silangang baybayin ng Cagayan Valley.
Tinatayang susunod ito sa isang "looping track" at bumalik sa pahilagang pagkilos pagsapit ng Lunes o Martes.
- Latest