^

Bansa

Jay Sonza laya matapos magpiyansa ng P270,000 para sa libelo, estafa

Philstar.com
Jay Sonza laya matapos magpiyansa ng P270,000 para sa libelo, estafa
Litrato ni Jay Sonza
Mula sa Facebook page ni Jay Sonza

MANILA, Philippines — Pansamantalang nakalaya ang kontrobersyal na dating broadcaster na si Jay Sonza matapos magpiyansa nang kulang-kulang P300,000 para sa patung-patong na reklamong kriminal.

Bandang 8 p.m. nitong Martes nang makalaya si Sonza mula sa Quezon City Jail, ayon sa ulat ng GMA News.

Ang P270,000 na piyansa ay napunta para sa mga sumusunod na reklamo:

  • 11 counts ng estafa: P260,000
  • libelo: P10,000

 

 

Agosto nang kumpirmahin ng National Bureau of Investigation at Bureau of Jail Management and Penology na nakulong si Sonza matapos hainan ng reklamong estafa at large-scale illegal recruitment.

Ika-18 ng Hulyo nang hulihin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 si Sonza matapos tangkaing lumipad patungong Hong Kong.

Una nang ibinasura ng korte ang reklamong syndicated and large-scale illegal recruitment laban sa dating TV host.

Gayunpaman, "provisionally" dismissed lang ang mga ito at maaari pa ring buhayin sa loob ng dalawang taon kung may bagong ebidensya.

Matatandaang sinabi ng kampo ng personalidad na hindi alam ni Sonza na may nakabinbin pang kaso ng libelo laban sa kanya. 

Kontrobersyal ang naturang brodkaster dahil sa pagbanat niya noon sa ABS-CBN kahit na dati rin siyang naging mamamahayag.

Setyembre 2020 lang nang maibalitang kinasuhan si Sonza ng aktres na si Julia Barretto dahil sa dati niyang Facebook post na nagsasabing buntis ang dalaga sa nobyo at aktor na si Gerald Anderson.

Nakilala noon si Jay sa kanilang programang "Mel & Jay" sa ABS-CBN at GMA at maging sa Kapuso newscast na "Saksi." — James Relativo at may mga ulat mula sa News5

BAIL

ESTAFA

JAY SONZA

LIBEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with