^

Bansa

US, Japan, Australia joint naval drills sa South China Sea kasado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
US, Japan, Australia joint naval drills sa South China Sea kasado
Nabatid na ilalabas ng Japan Maritime Self-Defense Force ang kanilang tinaguriang “largest des­troyer” na Izumo habang amphibious assault naman ang sa Royal Australian Navy at US Navy.
AFP

MANILA, Philippines —  Nakatakdang magsagawa ng joint naval drills sa South China Sea ang Japan, US at Australia batay sa report ng Kyodo news agency.

Nabatid na ilalabas ng Japan Maritime Self-Defense Force ang kanilang tinaguriang “largest des­troyer” na Izumo habang amphibious assault naman ang sa Royal Australian Navy at US Navy.

Lumilitaw na kinansela naman ng Pilipinas ang partisipasyon sa nabanggit na joint drill dahil malalaki ang aircraft ng tatlong bansa at hindi magkakasya sa decks warship ng Pilipinas.

Una nang kinumpirma ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na nagkaroon ng pagpupulong na sasali ang Australia at Japan sa US sa joint naval drills sa South China Sea.

Ayon kay Romualdez, layon ng joint patrols na magtiyak ang ipinatutupad na code of conduct at pagkakaroon ng freedom of navigation.

Matatandaang nitong Hunyo, napag-usapan ng mga national security advisers ng Japan, US at Pili­pinas ang joint maritime activities kabilang ang joint naval exer­cises sa Indo-Pacific waters bilang suporta sa ipinatutupad na freedom of navigation at broader rules-based order.

Ilan lamang ang Japan, Australia, at  US sa mga bansang kinikilala ang 2016 arbitration ru­ling.

Taong 2016 nang pa­boran ng international arbitral tribunal sa The Hague ang reklamo ng Pilipinas laban sa China sa usapin ng South China Sea.

Gayunman hindi ito sinunod ng China sa pagsasabing “illegal at invalid” ang desisyon.

vuukle comment

SOUTH CHINA SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with