^

Bansa

Territorial dispute sa Embo barangays., ‘di ejectment case

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Territorial dispute sa Embo barangays., ‘di ejectment case
This file photo shows the Supreme Court compound in Padre Faura, Manila.
Philstar.com / Erwin Cagadas

MANILA, Philippines — Kinatigan ni dating Press Secretary Trixie Cruz Angeles ang posisyon ng Taguig City na hindi kailangan ng writ of execution para iimplementa ang takeover ng Taguig sa EMBO barangays sa basehang hindi ejectment case ang kaso at malinaw ang desisyon ng Korte Suprema na turnover ang dapat na gawin ng lungsod ng Makati.

Sa kanyang vlog post na Luminous ay hinimay ni Angeles ang usapin ng turf war sa pagitan ng dalawang lungsod. Ipinaliwanag ni Angeles na isang abogado na kung titignan ang 53 pahinang desisyon ng SC sa nasabing kaso ay walang basehan ang argumento ng Makati na magkaroon muna ng transition period.

Aniya, malinaw ang utos ng hukuman kaya turnover ng hurisdiksyon ang dapat na gawin ng Makati.

Tinuring din ni Angeles na walang legal basis ang nakuhang opinyon ng Makati City mula sa Office of Court Administrator (OCA) na nagsasabing kailangan muna ng writ of execution.

“Opinyon lang ang inilabas ng OCA, ang pinanghahawakan ng Taguig ay malinaw na desisyon ng Supreme Court,” pahayag ni Angeles.

Aniya, ang writ of execution ay sa ejectment case, halimbawa, mayroong umuupa sa iyong property na gusto mo paalisin, kahit mayroon nang desisyon at nanalo sa hukuman kailangan pa rin ng writ of execution para mapaalis mo ‘yung nakatira sa iyong property, giit ni Angeles, hindi ejectment case ang Taguig-Makati row.

Ipinaliwanag ni Angeles na “stop exercising jurisdiction” agad ang desisyon ng Supreme Court sa territorial dispute dahil sa umpisa pa lamang ng kaso ay mayroon nang ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ang Pasig City Regional Trial Court.

TRIXIE CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with