^

Bansa

Hirit na gawing special non-working holiday ang death anniv. ni Jesse Robredo, tinabla ng Palasyo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Hirit na gawing special non-working holiday ang death anniv. ni Jesse Robredo, tinabla ng Palasyo
Former Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.
Wikipedia Commons

MANILA, Philippines — Hindi pinayagan ng Palasyo ng Malakanyang ang kahilingan ng alkalde ng Naga City na idekla­rang special non-working holiday ang death anniversary ni dating Interior Secretary Jesse Robredo noong Agosto 18.

Sa liham sa Malacañang ni Mayor Nelson Legacion na may petsang Agosto 10, hini­ling nito na ideklarang special no-working day ang Naga City nitong Biyernes.

Sagot naman ni De­puty Executive Secretary for Legal Affairs Anna Liza Logan na may petsang Agosto 17,  sinabi nito na hindi pinayagan ni pangulong Bongbong Marcos ang kanyang kahilingan dahil naideklara  na ang Agosto 18 bilang special working day sa buong bansa alinsunod sa Republic Act o. 10669.

Paliwanag pa ng Palasyo na mayroon ng batas na naipasa ang lehislatura para dito kaya ito ang dahilan para hindi mapagbigayn ang kahili­ngan ng Alkalde ng Naga.

Sa kabila nito, nilinaw naman ng Malakanyang na kinikilala nila ang importansya ng paggunita sa kamatayan ni Robredo para sa mga mamamayan ng Naga City.

Magugunita na si Jesse Robredo ay da­ting Alkalde ng naturang lungsod at asawa ni da­ting Vice-president Leni Robredo ay naging kalihim din ng DILG na nasawi dahil sa plane crash noong 2012.

PALASYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with