^

Bansa

Nagmaneho ng lasing: 3 mag-iina patay, 2 sugatan

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

Limay, Bataan, Philippines — Dead-on-the spot ang isang nanay at kanyang dalawang anak habang sugatan naman ang mister nito at isa pang anak dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng umano’y lasing ng sinasakyang kotse na bumangga sa isang mala­king puno sa Roman Highway, Barangay Alangan sa bayang ito kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Limay Police Chief Major Dennis Duran, patay kaagad sina Dianne Javier, 31, at dalawang anak na 11-anyos at 2 taong gulang habang sugatan naman ang driver at mister na si Reggie Javier, 39, at 13 anyos na anak na babae na isinugod sa Bataan General Hospital.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Limay PNP at base na rin sa pahayag ng biktima na galing ang mga ito sa isang peryahan na kung saan ay pauwi na ng mangyari aksidente.

Sakay umano ang mga biktima ng kanilang kotse na may plakang UDP-293 na kung saan ay mabilis umano ang pagpapatakbo ni Regie na umano’y nakainom ng alak kung saan pagsapit sa paakyat at palikong kalsada ay bumangga ang kanilang sasakyan sa isang ­malaking puno.

Mabilis namin binigyan ng paunang lunas ang mga sugatan bago dinala sa pagamutan.

Habang nakalagak naman ang mga bangkay ng mag iina sa Punzalan Funeral sa Limay Bataan.

vuukle comment

DENNIS DURAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with