^

Bansa

DFA: Pinoy kumpirmadong patay sa Hawaii wildfire

James Relativo - Philstar.com
DFA: Pinoy kumpirmadong patay sa Hawaii wildfire
Litrato ni Alfredo Galinato at ilang eksena matapos ang matinding wildfire sa Maui, Hawaii
Mula sa Facebook account ni Alfredo Galinato; AFP/Yuki Iwamura

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Foreign  Affairs (DFA) na Ilokano ang isa sa unang casualty sa mga biglaang sunog na nangyari sa Hawaii, Estados Unidos kamakailan. 

Kinilala ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega ang biktima bilang si Alfredo Galinato, 79-anyos. Isa si Galinato sa 111 nasawi sa Maui county bunga ng "deadliest US wildfire" sa nakaraang siglo.

"The DFA confirms the death of a Filipino national in the Hawaii wildfires. He was a naturalized US citizen originally from Ilocos," ani De Vega sa pahayag sa media ngayong Biyernes.

"The Philippine Consulate in Honolulu is assisting the family who are all based in Hawaii."

Una nang naibalitang isa si Galinato sa mga unang namatay dulot ng biglaang sunog, ngunit hindi pa agad nakumpirma kung siya'y Pilipino.

Lumalabas din sa kanyang Facebook account na nanggaling siya sa Vigan, Ilocos Sur.

"Ngayon lang na confirmed... US naturalized citizen siya na  wala sa data base ng Consula[t]e," paliwanag pa ni De Vega sa panayam ng Philstar.com.

"Tinutulungan ng Consulado ang pamilya with financial assist[a]nce... Nakikiramay kami sa pamilya ng nasawi."

'Nawala ang lahat sa amin'

Kinumpirma na rin ng anak ng biktima na si Joshua Galinato ang sinapit ng kanyang ama, at ngayo'y humihingi ng tulong.

"It’s with an extremely heavy heart that my Mother and brothers lost everything in this fire including the entirety of our home that my parents worked very hard on," ani Joshua.

"We want to extend our sincerest gratitude to each individual who has blessed my family and I with their hard earned monetary donations and no amount is ever too little."

"A simple share about the Maui Fires happening will make all the difference to ensure that we get our Lahaina town back and restored in good faith. Thank you again for taking the time to follow and read our family’s story and God bless you."

 

 

 

Ilang araw pa lang ang nakakaraan nang sabihin ng DFA na walang Filipino nationals na namatay sa mga wildfires sa Hawaii. Sinasabing kumalat ito dahil sa pagkatuyo ng mga halaman dulot ng mainit na panahon.

Wala pa namang Pilipino sa ngayon ang nagpapahiwatig ng kagustuhang umuwi ng Pilipinas buhat ng insidente.

Nagbitiw naman na si Herman Andaya, head ng emergency management agency ng Maui, matapos hindi patunugin ang mga sirena para magbabala sa mga residente tungkol sa apoy na kumalat sa Lahaina, Hawaii.

Marami sa mga nasawi ay pinaghihinalaang namatay matapos makulong sa mga bahay o sasakyan habang sinusubukang lumikas.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FIRE

HAWAII

WILDFIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with