^

Bansa

Dry run ng cashless toll collection, simula na sa September 1

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Dry run ng cashless toll collection, simula na sa September 1
Sa abiso ng Toll Regulatory Board (TRB) kahapon, simula sa Setyembre 1 ay aalisin na muna ang mga cash lanes at susubukan ang contactless o cashless toll collection.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Simula na sa susunod na buwan ang dry run ng cashless toll collections sa mga expressways.

Sa abiso ng Toll Regulatory Board (TRB) kahapon, simula sa Setyembre 1 ay aalisin na muna ang mga cash lanes at susubukan ang contactless o cashless toll collection.

Kasunod na rin ito ng kautusan ng TRB sa mga tollway operators at concessionaires na magdaos ng dry run ng Contactless Program sa mga piling kuwalipikadong toll plazas sa loob ng dalawang buwan.

Ayon sa TRB, mahalaga ang pagsasagawa ng dry run upang matukoy ang kahandaan ng mga tollway concessionaires at operators para sa maayos at episyenteng muling pagpapatupad ng Contactless Program.

Mahigpit ding hinihikayat ng TRB ang mga tollway users na lumipat na sa RFID.

Ang mga mayroon namang existing RFID ay pinapayuhang ipa-check ang kanilang mga stickers upang malaman kung kailangan  na itong palitan. Dapat din nilang tiyakin na may sapat silang load bago pumasok sa expressway.

Matatandaang Agosto 13, 2020 pa nang ipalabas ng Department of Transportation (DOTr) ang ­cashless o contactless transactions.

Layunin nitong mapigilan ang pagkalat ng ­COVID-19 at matiyak na mabilis at maayos ang daloy ng trapiko sa expressways.

Malaunan naglabas ang DOTr ng “addendum” noong Enero 29, 2021 at pinahintulutang muli ang paggamit ng cash lanes dahil sa ilang problemang kaakibat ng programa, kabilang ang aberya sa mga RFIDs.

TRB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with