Aktibidad sa Mayon, patuloy sa pagtaas
MANILA, Philippines — Patuloy ang pagtaas ng mga aktibidad ng Bulkang Mayon sa Bicol.
Ayon sa Phivolcs sa nakalipas na 24 oras, ang bulkan ay nagtala ng 100 volcanic earthquakes kabilang na ang isang ashing event at 58 volcanic tremor events na may tagal na isa hanggang 13 minuto na ang ilan dito ay sinabayan ng maingay na mga pagdagundong mula sa bulkan.
Nagtala din ito ng 201 rockfall events at pitong pyroclastic density current events at pagluwa ng may 888 tonelada ng asupre.
May katamtaman ding emission mula sa Mayon na may taas na 800 metro.
Nagkaroon din ng mabagal na lava flow mula sa crater na may habang 3.4 kilometer, 2.8 kilometer at 1.0 kilometer sa may Bonga, Mi-isi, at Basud Gullies gayundin ng lava collapse na may 4 kilometer mula sa crater ng bulkan.
Mahigpit na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa 6-km radius Permanent Danger Zone (PDZ) at pagpapalipad ng aircraft malapit sa bulkan dahil sa banta ng rockfalls, landslides, ballistic fragments, lava flows at lava fountaining, pyroclastic density currents, moderate-sized explosions at lahar flow kapag makakaranas ng malalakas na ulan.
Patuloy na nasa alert level 3 ang Mayon.
- Latest