^

Bansa

Pagsuspinde sa reclamation projects sa Manila Bay, suportado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ni dating En­­vironment Secretary at dating Manila Mayor Lito Atienza ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isus­pinde ang lahat ng reclamation project sa Manila Bay.

Ayon kay Atienza, tanging­ si Marcos lang talaga ang pag-asa para makita ang kamalian sa pag-apruba sa 22 reclamation projects sa naturang lugar.

Suportado rin ng dating­ kalihim ng DENR ang im­bes­tigasyon kung paano nag­simula ang nasabing pro­­­yekto at ano ang naging su­katan nito para payagan.

“Binobola nila ang mga tao by saying that para sa inyo ito. Para kanino? Walang kikita diyan kundi ang mga private owners. Enough is enough! BBM should continue protecting the welfare of the people and not just a few” giit pa ni Atienza.

Igiit pa ni Atienza na ang reclamation sa Manila Bay ay hindi man lang dumaan sa lokal na pamahalaan ng Maynila, at prinotektahan nila ang nasabing lugar simula pa noong 1997 kung saan siya pa ang vice-mayor at nagpasa sila ng ordinance no. 7777 na nagbabawal sa lahat ng uri ng reclamation sa Manila Bay.

Tama rin umano si Marcos na nawala na ang tubig sa Manila at kung hindi pinatigil ng pangulo ang 22 projects malamang ay mawala ng tuluyan ang Bay na siyang itinuturing na biggest jewel ng Maynila at napakinabangan ng maraming henerasyon at mapapakinabangan pa ng susunod na henerasyon.

LITO ATIENZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with