^

Bansa

Drag artist Pura Luka Vega, ‘persona non grata’ sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Drag artist Pura Luka Vega, ‘persona non grata’ sa Maynila
Artist Pura Luka Vega's drag performance of Catholic Mass song "Ama Namin".
Twitter / Pura Luka Vega

MANILA, Philippines — Idineklarang ‘persona non grata’ ng Sangguniang Panglungsod ng Maynila ang drag artist na si Pura Luka Vega dahil sa kontrobersyal niyang pagtatanghal sa paggampan niya bilang Itim na Nazareno na ikinadismaya ng mga Pilipinong Katoliko.

Sa ilalim ng 12th City Council Resolution na iniakda ni 5th District Councilor Ricardo “Boy” Isip Jr. at ina­pru­bahan nitong Agosto 8, hindi na maaaring pumasok ng siyudad ng Maynila si Pura Luka Vega o Amadeus Fernando Pagente, na totoo niyang pangalan.

Ito ay kaugnay ng kaniyang pagtatanghal kasabay ng ‘remix version’ ng ‘Ama Namin (Our Father)’ sa isang bar habang suot ang costume ng Itim na Nazareno.

Iginiit naman ni 5th District Councilor Jaybee Hizon na hindi maaaring sa lahat ng pagkakataon ay idadahilan ng sinuman ang ‘freedom of speech’ lalo na kung nakakabastos na ng paniniwala sa relihiyon.

Suportado ng lahat ng miyembro ng Konseho ang resolusyon dahil sa pagiging site ng Maynila sa taunang Piyesta ng Itim na Nazareno at Traslacion.

Ang Maynila na ang ikaapat na siyudad at bayan na nagdeklara kay Pagente bilang ‘persona non grata’, makaraan ang General Santos City, sa South Cotabato; Floridablanca, Pampanga at Toboso, Negros Occidental.

PURA LUKA VEGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with