^

Bansa

Pinsala sa agrikultura ng bagyong Egay at Falcon, lumobo pa ng halos P1 bilyon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pinsala sa agrikultura ng bagyong Egay at Falcon, lumobo pa ng halos P1 bilyon
Residents of Calumpit, Bulacan ride boats as the flood in their area reached waist to chest-deep level on July 29, 2023.
Photos by Ernie Penaredondo/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ng halos P1 bilyon ang iniwang pinsala ni super typhoon Egay, bagyong Falcon at monsoon rains o hanging habagat sa sektor ng agrikultura matapos na magdulot ng malawakang pagbaha sanhi ng malalakas na pag-ulan.

Bunsod nito, sinabi ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC) na umakyat na sa may P 2.75 bilyon ang kabuuang pinsala na iniwan ng kalamidad sa agrikultura. Nitong nakalipas na Biyernes ay nasa P1.93 bilyon ang napaulat na pinsala sa agrikultura.

Ang kalamidad ay nag-iwan ng 29 patay,165 sugatan at 11 pa ang nawawala habang nasa 285,202 pamilya o katumbas na 3.03 milyong katao ang naapektuhan.

Sa mga naitalang nasawi, 27 dito ang patuloy na isinasailaim sa beripikasyon na karamihan ay sa Cordillera Administration Region (CAR).

Ang bagyo at monsoon rains ay nakaapekto sa 117,033 magsasaka at mga mangingisda habang nasa 143,429 namang hektarya ng mga pananim ang nawasak.

Samantalang ang pinsala sa imprastraktura ay nasa P3,631,012,164.44 na napaulat mula sa Region 1, Region 2, CALABARZON, MIMAROPA, Region V at Region VI, Region VIII, Region XI, Region X11 , Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at CAR.

AGRIKULTURA

EGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with