Pagbaha sa Metro Manila dahil sa basura - climate expert
MANILA, Philippines — Dahil sa umano’y tone-toneladang basura araw-araw ang dahilan ng pagbaha sa Metro Manila matapos ang malalakas na ulat dulot ng bagyong Egay at Falcon gayundin ng Habagat.
Ayon kay Climate Change Commissioner Albert Dela Cruz Sr., na karamihan sa mga basura ay dulot ng araw-araw na pagbabara ng mga kanal at sewerage system dahil na rin sa hindi sapat na koleksyon at pagtatapon ng basura.
Giit pa ni Dela Criuz, nagpalala pa sa sitwasyon ang hindi pa matapos na mga road projects at nagdaragdag sa matagal nang pagbaha sa Kamaynilaan.
Ihihalimbawa pa niya ang mababang mga lugar sa Makati, Manila, Mandaluyong, Parañaque, San Juan at Quezon City ang nakaranas ng matinding pagbaha nitong mga nakalipas na araw.
Dahi dito kaya muling nanawagan si Dela Cruz sa Climate Change Commission (CCC) na isulong ang transition sa paggamit ng sanitary landfills sa waste-to energy (WtE) technologies tulad ng biomethanation at thermolysis kung saan ang pagsasaayos at pagtatapon ng mga basura ay ginagawa ng scientific process na ecologically at environmentally friendly.
- Latest