^

Bansa

NIA kinastigo sa walang abisong pagpapakawala ng tubig sa dam

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinita ng Senado ang umano’y kawalan ng abiso ng National Irrigation Administration (NIA) sa mga local government units (LGUs) tungkol sa pagpapalabas ng tubig sa dam dahilan kaya lubog ngayon sa baha ang maraming lugar sa Bulacan.

Sa pagdinig ng Se­nate Blue Ribbon Committee patungkol sa mga iregularidad ng mga irrigation projects ng NIA, ipinaabot ni Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Francis Tolentino ang hinaing ng lalawigan ng Bulacan dahil wala umanong koordinasyon ang NIA sa ginawang pagpapakawala ng tubig sa Bustos dam na naging sanhi ng matinding pagbaha sa buong lalawigan matapos ang pananalasa ng bagyong Egay.

Araw umano ng Sabado ng mabigla ang mga residente sa Bulacan sa biglang pagtaas ng tubig at nataong high tide din ng araw na iyon.

Hindi nakapunta sa pagdinig ng Senado si Bulacan Gov. Daniel Fernando dahil abala sa kanyang lalawigan na ngayo’y nasa ilalim ng ‘state of calamity’.

Depensa naman ni NIA Chief Eduardo Eddie Guillen, mayroong protocol na advance information na ipinadala sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Bulacan tungkol sa spilling activity o pagpapakawala ng tubig sa dam.

Dahil sa matinding pagbaha ay apektado rito ang 16 na bayan at tatlong siyudad sa buong lalawigan ng Bulacan.

WATER LEVEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with