^

Bansa

Senadora ikinatuwa suspensyon ng DA officials dahil sa 'anomalya ng Kadiwa'

James Relativo - Philstar.com
Senadora ikinatuwa suspensyon ng DA officials dahil sa 'anomalya ng Kadiwa'
A porter pushes a cart loaded with red onions in Binondo, Manila on May 16, 2023.
STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Pinalakpakan ni Sen. Risa Hontiveros ang suspension order na ibinaba ng Office of the Ombudsman sa ilang opisyales ng Department of Agriculture — isang kagawarang pinangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Anim na buwang suspensyon ang ipinataw ni Ombudsman Samuel Martires sa limang opisyales ng DA at Food Terminal Inc. nitong Martes habang iniimbestigahan sa aniya'y anomalya sa pinagkunanng sibuyas na ibinenta nang mura sa Kadiwa stores.

"At the height of the onion crisis, these DA officials were obsequiously thinking of supplying the Kadiwa stores with onions brought in by smugglers," ani Hontiveros, Miyerkules.

"When that could not be done, they hastily sought whatever supplies were available at whatever price."

"Ang puno't dulo kung bakit may nag-tumbling at nagkandarapang mga opisyal ay para pagbigyan ang gusto ng presidente na maglagay ng maraming sibuyas sa kanyang Kadiwa stores."

Kabilang sa mga sinuspindi habang inaantay ang resulta ng imbestigasyon ay sina:

  • DA Assistant Secretary Kristine Evangelista
  • DA administrative officer Eunice Biblanias
  • DA officer-in-charge chief accountant Lolita Jamela
  • FTI vice president for operations John Gabriel Benedict Trinidad III
  • FTI budget division head Juanita Lualhati

Haharap ang mga nabanggit sa reklamong grave misconduct, gross neglect of duty and conduct prejudicial to the best interest of service kaugnay ng "kakulangan ng suplay ng sibuyas, price manipulation at kwestyonableng procurement ng FTI mula sa Bonena Multi-Purpose Cooperative."

Ani Martires, posibleng nalabag din ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act nang pumasok ang DA sa memorandum of agreement sa FTI sa pagkuha ng sibuyas para sa Kadiwa Food Hub project. 

Kaugnay nito, pumasok sa kasunduan ang FTI sa Bonena Multi-Purpose Cooperative para sa delivery ng 8,845 bags (nasa 247 metric tons) ng sibuyas.

"Ganyan ang nangyayari sa mga sunud-sunurang naniniwala sa mga boss na nagsasabing, "Ako ang bahala sa'yo," dagdag ng senadora habang tinutukoy si Marcos Jr.

"Public office is a public trust. I hope that our government officials and public servants will always be reminded of whom we serve, the Filipino people,"

Ano nga uli ang Kadiwa ni Marcos?

Nobyembre 2022 nang simulan ni Bongbong ang iilang "Kadiwa ng Pasko" stalls na nagbebenta ng P25 kada kilong bigas, bagay na naglalapit daw nito sa una niyang pangakong P20 na bigas.

Kalaunan, inilunsad naman ng presidente ang "Kadiwa ng Pangulo" bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng bilihin. Binenta rito ang pulang sibuyas sa P190 kada kilo ilang buwan matapos lumobo ang presyo nito sa P720 kada kilo.

Matatandaang iniyabang din ni Marcos Jr. sa kanyang katatapos lang na 2023 State of the Nation Address ang 1.8 milyong pamilyang nakinabang daw sa mahigit 7,000 Kadiwa stalls na nagbebenta nang mas mura kaysa sa karamihan ng karaniwang palengke.

Ang naturang programa ay kanyang pagbuhay sa mga pamilihang inilunsad ng kanyang diktador na amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na kilala sa pagdedeklara ng Martial Law noong 1972 na nagdulot ng samu't sariling human rights violations.

"Umaasa rin ako na hindi lang mababa o mid-level officials ang maparusahan, kundi mas lalo na ang mga boss na siyang nag-uutos at kumukunsinti sa mga ito," panapos ni Hontiveros.

Nangyayari ang mga imbestigasyon sa aniya'y iregularidad sa Kadiwa ngayong inaasahang patataasin ng nagdaang Super Typhoon Egay ang presyo ng mga bilihin.

BONGBONG MARCOS

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

KADIWA

RISA HONTIVEROS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with