^

Bansa

7 tripulante na stranded sa dagat, nahanap na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natagpuan na at ligtas ang pitong tripulante, kabilang ang isa na inatake sa puso, na pawang lulan ng isang tugboat na unang naiulat na na-stranded sa karagatan ng Aparri, Caga­yan sa kasagsagan ng bag­yong Egay noong Hulyo 26.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nakita na ang MTug Iroquois kahapon malapit sa Camiguin Island sa bayan ng Calayan, kung saan ito tinangay ng alon. Lahat ng tripulante nito ay patuloy na nakasakay sa tugboat.

“Per the PCG Station Cagayan, naging maayos din ang lagay ng crew na na-heart attack habang nasa tugboat. Hindi na kina­ilangan ng medical evacuation,” sabi ng PCG.

Hinatiran ng PCG Station Cagayan ng 4,000 litro ng diesel ang MTug Iroquois habang ang Coast Guard Sub-Station Camiguin ay patuloy na sinusu­baybayan ang kanilang sit­wasyon.

Samantala, patuloy ang search and rescue operation sa apat na tauhan ng PCG na nagtangkang rumes­ponde­ sa sitwasyon ng mga tripulante ng tugboat ngunit sila ang nawala sa karagatan nang tumaob ang sinasak­yang aluminum boat nang hampasin ng malalaking alon.

APARRI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with