State of national emergency sa Mindanao, inalis na
MANILA, Philippines — Binawi na ng Malakanyang ang State of National Emergency sa Mindanao.
“Now Therefore, I, Ferdinand R. Marcos Jr. President of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by the Constitution and existing law, do hereby lift the state of the national emergency on account of lawless violence in the Mindanao, effective immediately”? nakasaad sa nilagdaang Proclamation 298 na may petsang July 25, 2023 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Matatandaan na idineklara ni dating pangulong Rodrigo Duterte noong September 4, 2016 ang State of National Emergency sa Mindanao dahil na rin sa mga karahasan na ginagawa noon ng mga private armed group, local war lord, criminal syndicate, mga bandido at mga teroristang grupo kasama na ang mga religious extremist sa buong rehiyon.
Nagkaroon ng matagumpay na law enforcement operations ang militar at mga programa ng pamahalaan para maitaguyod ang pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.
Kaya ngayon ay inalis na ang state of national emergency dahil naging maayos na ang kalagayan sa buong rehiyon ng Mindanao kung ang pag-uusapan ay isyu ng terorismo.
- Latest