^

Bansa

Perjury isinampa vs exorcist priest

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naghain ng kasong perjury si dating Commission on Elections (Comelec) Chairperson Harriet Demetriou sa Makati City Prosecutor’s Office laban kay exorcist priest Fr. Winston Cabading na nag-ugat sa hiwalay na reklamo dulot ng umano’y pangungutya ng pari sa Lipa apparitions.

Batay sa 15-pahinang reklamo, binigyang-diin ni Demetriou na nagsinungaling umano si Cabading sa kanyang sinumpaang petition for review sa Department of Justice (DOJ) na may petsang May 27, 2023 at inihain noong May 29,2023 hinggil sa umiiral na 1951 Papal Decree na nagdeklara sa 1948 Lipa Marian Apparitions bilang “supernatural character.” 

Ayon kay Demetriou, binanggit din ni Cabading sa kanyang petisyon ang “CDF Decree of 2015” kung saan mismong si Pope Francis ang sinasabing naglabas dito. Kung mapatunayan na hindi umiiral ang naturang decree, sinabi ni Demetriou na mapapatunayan na may malisya si Cabading sa mga binitiwan niyang salita laban sa Lipa apparitions.

Una nang dinakip ng mga awtoridad si Cabading noong Mayo 13 matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court (RTC) na nag-ugat sa hiwalay na kasong inihain ng dating Comelec chief dahil sa umano’y paglabag sa Article 133 (offending religious feelings) ng Revised Penal Code.

Pansamantalang nakalaya ang pari ng maglagak ng piyansa at kalaunan ay nagsampa ng petition for review sa DOJ.

Iginiit ni Demetriou na kinutya at hinamak umano ng pari, hindi lamang ang Banal na Birhen, kundi maging ang mga deboto nito.

PERJURY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with