Laguna Rep. Matibag isusulong ang programa ng San Pedro
Humugot ng inspirasyon mula sa tagumpay ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, sa kanyang unang taon, isa ang Lungsod ng San Pedro sa Laguna sa mga siyudad sa bansa na tumututok sa pagbibigay ng basic livelihood projects kagaya ng Sampaguita industry simula noong 2022 sa layuning mapataas ang antas ng pamumuhay ng kanilang mga kababayan.
Tagumpay ang San Pedro sa paggamit ng mga indigenous products para sa kanilang mga livelihood projects.
Ang Sampaguita growing ang pangunahing industriya ng San Pedro bukod sa mushroom growing, nutribun making, soap making, itik growing, salted egg at balut industry at iba pa.
Si Laguna 1st District Rep. Ann Matibag ang nagpasimula ng nasabing mga proyekto noong nakaraang taon para bigyan ng trabaho at business opportunities ang kanyang mga kababayan maliban sa kanilang medical missions, infrastructure projects, financial and medical assistants at scholarship programs.
“I observed that President Marcos is oriented towards agriculture development, not to mention, provision of housing, health and educational programs, among others,” sabi ni Matibag na nakasuot ng puting Sampaguita dress na gawa ni Jazel Sy sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos sa Batasan Pambansa Complex
“Programs focused on raising quality of life of the people are what I continuously push for the people San Pedro.” dagdag pa ng Congresswoman.
Dati nang nagpo-produce ng Sampaguita ang Lungsod ng San Pedro sapul noong 1980s at 1990s kung saan ang langis nito ang ginagawang soaps, perfumes, cosmetics at deodorants.
Sa SONA ni President Marcos ay nabanggit nito sa kanyang speech ang agricultural production at development na maaaring magpakilala ulit sa San Pedro bilang Sampaguita capital.
“Our aim is to boost our local agricultural production— through consolidation, modernization, mechanization and improvement of value chains — augmented by timely calibrated importation, as needed,” wika ni Presidente Marcos.
Sinabi ng Pangulo na na tumaas ang agriculture ng 2.2 percent sa unang tatlong buwan ngayong 2023.
“As I strive to bring developments to my district through my medical missions, infrastructure projects, financial and medical assistants, livelihood and scholarship programs among others, I’m hopeful that I, too, would achieve the success of President Marcos,” ani Matibag.
- Latest