Signal no. 4 itinaas sa ilang Cagayan areas dahil kay 'Egay'
MANILA, Philippines (Updated 12:19 p.m.) — Napanatili ng Super Typhoon Egay ang lakas nito habang patuloy na nagbabanta sa hilagang Luzon, ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA ngayong Martes.
Bandang 10 a.m. nang mamataan ng state weather bureau ang sentro ng bagyo 3270 kilometro silangan ng Tugegarao City, Cagayan.
- Lakas ng hangin: 185 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 230 kilometro kada oras
- Direksyon: pahilagangkanluran
- Pagkilos: 15 kilometro kada oras
"Egay is forecast to move northwestward in the next 12 hours before turning generally west northwestward and cross the Luzon Strait," wika ng state weather bureau kanina.
"On the track forecast, it is forecast to make landfall or pass very close to Babuyan Islands-northeastern mainland Cagayan area between late evening today and tomorrow morning."
Maaari rin itong mauwi sa isang pagsalpok sa kalupaan o paglapit nang husto sa mainland Cagayan o Batanes oras na malihis ito nang bahagya pahilaga o patimog. Sinasabing malapit na ang bagyo sa "peak intensity" nito.
Dahil sa bagyo, itinaas na rin ang ilang tropical cyclone wind signals sa sari-saring bahagi ng Pilipinas.
Signal No. 4
- hilagangsilangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana)
Dahil sa typhoon-force winds sa mga nabanggit na lugar, may potensyal ang bagyong magdulot ng "significant to severe" na banta sa buhay at ari-arian.
Signal No. 3
- Babuyan Islands
- hilaga at silangang bahagi ng mainland Cagayan (Gonzaga, Peñablanca, Gattaran, Lal-Lo, Alcala, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Claveria, Pamplona, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Baggao, Amulung, Iguig)
- hilagangsilangang bahagi ng Isabela (Divilacan, Maconacon, Palanan)
- hilagang bahagi ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)
Dahil sa storm-force winds sa mga nabanggit na lugar, may potensyal ang bagyong magdulot ng "moderate at signficiant" na banta sa buhay at ari-arian.
Signal No. 2
- Batanes
- nalalabing bahagi ng mainland Cagayan
- nalalabing bahagi ng Isabela
- Quirino
- hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Solano, Bayombong)
- nalalabing bahagi ng Apayao
- Kalinga
- Abra
- Mountain Province
- Ifugao
- hilagang bahagi ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan)
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- hilaga at silangang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
Dahil sa gale-force winds, may potensyal na "minor to moderate" na threat ang bagyo sa buhay at ari-arian sa mga naturang lugar.
Signal No. 1
- La Union
- Pangasinan
- nalalabing bahagi ng Benguet
- nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya
- nalalabing bahagi ng Aurora
- Zambales
- Bataan
- Nueva Ecija
- Tarlac
- Pampanga
- Bulacan
- Metro Manila
- Rizal
- Laguna
- Cavite
- Batangas
- Quezon
- Marinduque
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
- Albay
- Sorsogon
- Burias Island
- Ticao Island
Dahil sa malalakas na hangin, meron namang "minimal to minor threat" na banta sa buhay at ari-arian sa mga nabanggit na lugar.
"Local winds may be slightly stronger/enhanced in coastal and upland/mountainous areas exposed to winds. Winds are less strong in areas sheltered from the prevailing wind direction," dagdag pa ng PAGASA.
Patuloy na pagpapalakas ng habagat
Magdadala ang bagyong "Egay" at pinalakas na hanging habagat ng malalakas na hangin sa mga sumusunod na lugar na hindi nasa ilalim ng wind signals, lalo na sa mga baybayin at mabubundok na lugar ngayong araw:
- Luzon
- Visayas
- Zamboanga Peninsula
- Basilan
- Sulu
- Tawi-Tawi
- hilagang bahagi ng Northern Mindanao at Caraga
Nakikita naman ang mga sumusunod na dami ng pag-ulan ngayong araw:
- higit 200 millimeter: Babuyan Islands, Ilocos Norte, at hilagang bahagi ng Abra at Ilocos Sur
- 100-200 millimeter: Batanes, hilagangkanlurang bahagi ng mainland Cagayan, hilagang bahagi ng Apayao, nalalabing bahagi ng Abra, at Ilocos Sur
- 50-100 millimeters: Benguet, La Union, Pangasinan, kanlurang bahagi ng Kalinga at Mountain Province, at nalalabing bahagi ng Apayao.
Tinatayang makalalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo pagsapit ng Huwebes ng umaga.
- Latest
- Trending